Kirsten's POV
"Miss Marano, mag usap muna tayo"
Sabi ng prof ko, nagkatinginan na kami ni Cody, alam ko na ang sasabihin niya, about sa contest ang pag uusapan namin. Tumango ako sa kanya at umupo sa upuan, uwian na kaya kami kami na lang nila Melia ang naiwan.
"Sir kung about sa contest po ang pag uusapan natin alam ko na po yan, sinabi na sakin yan ni Cody. At kung itatanong niyo po kung payag ako, oo payag po ako pero wag po kayong mag expect na mananala tayo sir."
"Talaga? Thats great! Matalo manalo ok lang atleast naipakita niyo ang talento niyong dalawa. Sa friday gaganapin ang contest, 7 ang start ng contest at pang number 9 kayo. Kaya dapat mag practice na kayo kung anong talent ang gagamitin niyo sa contest."
"Ay naku sir, walang wala sila sa pinsan ko, talented ata tong si Cody, di ba Cody?"
Sabi ni Melia, inirapan lang sya ni Cody.
"Well its settle then."
Tumayo na si Sir at kaming tatlo lang ang naiwan dito sa room.
"Paano ba yan? Kailan tayo mag papractice ng kanta Cody."
Tanong ko sa kanya.
"Kung gusto mo ngayon na, doon tayo sa bahay mag practice dahil nandoon ang gitara ko."
Tinignan ko ang orasan ko, 9:00 pa lang naman, kahit isang oras lang naman siguro kami mag practice ok na yun, tutal sabi naman ni Reece gagabihin sya ng uwi dahil may practice sila, di ko alam kung basketball di niya naman sinabi eh.
"Sure"
Sabay na kaming tatlong lumabas ng room.
"Di ka ba susunduin ng hot mong amo?"
Tanong ni Melia.
"Hindi, busy yun eh."
Tumango tango lang sya.
"May girlfriend ba sya Kirsten?"
Tinignan ko si Melia, nakita kong nag blush sya ng tanungin niya yun.
"Di ko alam, di ko naman pinapakiaalaman ang buhay niya."
"Ganun, ako na lang ang magtatanong sa kanya pag sinundo ka niya ulit dito."
Tawang sabi niya, napapailing na lang ako sa kanya. Na una ng bumaba si Melia kaya kami na lang ni Cody ang naiwan sa bus.
"May naisip ka na bang pwedeng kantahin natin Cody?"
Nag isip pa sya at maya maya tumango sya.
"Your Eyes."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Bakit? Anong meron sa mata ko? May muta ba or something?"
Natawa sya sa sinabi ko.
"Anong nakakatawa doon?"
"Your Eyes ang kakantahin natin, natawa naman ako sa sagot mo."
Tawa sya ng tawa, hinampas ko sya ng mahina sa braso sabay tumawa din ako. Maya maya bumaba na kami ni Reece, hindi naman masyadong kalayuan ang bahay niya.
"Dito ka nakatira?"
Tanong ko sa kanya dahil ang laki ng bahay niya. Akala ko sa apartment sya nakatira.
"Yep"
At binuksan na niya ang gate, pag pasok ko sa loob ng bahay niya napatulala ako sa ganda ng mga gamit ng bahay ni Cody. Mayaman pala tong si Cody, pero bakit sa pang mahirap sya nag aaral at crew lang sya. Tinignan ko sya at ngumiti lang sya.
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...