Kirsten's POV
"Anong ginagawa mo dyan?"
Napa tingin ako sa nag salita, pag tingin ko si Cody pala, nandito ako ngayon sa dagat nag muni muni, simula kasi ng umalis si Reece hindi pa rin sya bumabalik hanggang ngayon, tinatawagan ko sya naka patay ang cellphone niya. Di ko maiwasang mag alala at maging paranoid, what if mag kasama si Reece at Laura? Ang daming what if na pumapasok sa isip ko. Ngumiti ako sa kanya at lumapit naman sya.
"Madilim na bakit nandito ka pa?"
Sabi niya ng maka upo siya sa tabi ko.
"Wala, pinanood ko lang ang sunset kanina."
"Talaga lang hah or baka nag iisip ka kay Reece."
Yung totoo mind reader ba sya or what?
"Sino yung babae kanina? Nakita ko kasing nagbago ang itsura niyo ni Reece ng makita sya."
Ganun? Tutal kaibigan ko naman sya mapagkakatiwalaan ko naman sya eh.
"Well, sya si Laura, best friend na naging girlfriend at naging Ex."
"Talaga? Ex ni Reece yun?"
Tumango tango ako sa kanya, at naikwento ko ang sa kanya ang mga sinabi ni Reece about kay Laura, tahimik lang syang nakikinig sakin habang nag kukwento.
"Ang masaklap di ko alam kung may feelings pa si Reece sa kanya."
Bigla akong nalungkot ng isipin ko yun, hello? Mas matagal niyang kilala si Laura kaysa sakin noh. Hindi agad agad mawawala ng ganun ganun lang ang feelings na yun.
"Hindi natin alam, sabi nga sa kasabihan 'First love never dies' pero sa tingin ko mas inlove sayo si Reece kaysa kay Laura."
Tinignan ko lang sya, alam kong gusto niya lang palakasin ang loob ko eh.
"Pero may kinatatakutan pa ako Cody."
"Ano yun?"
Sasabihin ko ba ang mga sinabi ng mama ni Reece sakin? Kaysa naman kimkimin ko to kailangan ko rin tong ilabas minsan, at sinabi ko nga ang pinagsasabi ng mommy ni Reece sakin. Nakita kong nagulat sya sa huli kong sinabi.
"Seryoso? Alam ba ni Reece na arrange marriage silang dalawa?"
Nag shrug lang ako, di ko naman ino-open up yung topic na yun pag kaming dalawa lang eh.
"Anong gagawin mo pag dumating sa point na ikakasal na sila pero kayo padin, anong gagawin mo?"
"Yun nga ang iniisip ko eh, di ko alam ang gagawin ko Cody."
At napa iyak ako sa harapan niya.
"Ssshhh.. Tahan na, pag isipan mo muna ang gagawin mo."
Sabi niya at niyakap ako, niyakap ko din sya habang umiiyak ako. Humiwalay ako sa kanya at sinabi kong pupunta muna ako ng C.R, may narinig akong nag sisigawan mula sa likod ng C.R ng mabosesan ko si Reece at Laura nag tatalo, lumapit ako ng dahan dahan, at ng makita ko ang tao doon di nga ako nag kamali, si Reece at Laura nga.
"Reece! Please listen to me!!"
"No!! Stop talking Laura, please leave us alone."
Tumahimik silang dalawa bago nag salita si Laura.
"Reece... Im.. Im.. Im pregnant, and your the father."
Bigla akong nanigas sa narinig ko, si Laura? Buntis? Kay Reece? Paano nangyari yun? Ni hindi nga sila nag kikita, at biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ng mommy ni Reece. Baka totoo ngang nag kikita silang dalawa ng palihim.
"You what?!"
Rinig kong sigaw ni Reece.
"Im pregnant."
"WHAT THE FVCK!!! HOW DID THAT HAPPEN!!!"
"Remember nung huling kita natin may nangyari sating dalawa, pero di ko aakalaing mabubuntis ako. Sinubukan kong layuan kayong dalawa ng girlfriend mo pero nung nalaman kong buntis ako sinubukan kitang kontakin pero patay ang phone mo. Hindi pa alam to nila mommy at daddy ako pa lang."
Bigla akong napahagulgol ng iyak sa narinig ko, ang sakit pala talagang masaktan. Feeling ko hinahampas ng sledge hammer ang puso ko. Nakita kong nakita ako nila Reece at Laura, nakita kong nanlaki ang mata ni Reece ng makita ako.
"Kirsten?"
Sabi niya at ng makita kong papalapit na sya sakin umatras ako.
"No!! Stop!! Please stop!!
Sabi ko sa kanya habang umiiyak.
"Ang tanga ko, dapat naniwala ako sa sinabi ng mommy mo na nag kikita kayong dalawa. Akala ko nag sisinungaling lang sya pero totoo pala ang sinasabi niya."
"What are you talking about?"
"Sana maging masaya kayong dalawa, congrats sa magiging baby niyo."
Sabi ko habang umiiyak, lumapit sya sakin at sinampal ko sya ng malakas sa pisnge.
"Break na tayo simula ngayon at hinding hindi mo na ako makikita kahit kailan."
Sabi ko sabay talikod, tumakbo ako papunta sa dagat, gusto kong magpaka lunod sa tubig, biglang may na bunggo ako pag tingin ko si Cody.
"Kirsten? Anong nangyari sayo?"
"Ilayo mo ako dito Cody please."
Tumango naman sya at hinila niya ako papunta sa loob at ng makarating kami sa tapat, binuksan niya ang kotse niya at pumasok na kaming dalawa sa loob. Nakita kong tumatakbo si Reece papalapit samin, nakita ko syang umiiyak, lumapit sya sa sasakyan at pinag hahampas ang bintana, di ko sya pinansin sa halip sinabihan kong umandar na kami. Nakita ko syang humahabol samin pero binilisan ni Cody ang pag papatakbo ng sasakyan, ng hindi na namin sya nakita umiiyak na ako ng todo, hinayaan lang ako ni Cody na umiyak hanggang sa mawalan na akong mailuluha pa.
"Break na kami."
Sabi ko kay Cody habang nag mamaneho sya.
"Bakit naman?"
Tanong niya.
"Totoo pala talagang nag kikita sila ni Laura, at ang masaklap pa doon na buntis pa niya si Laura."
Napatingin sakin si Cody.
"Paano mo nalaman?"
"Narinig ko silang nag uusap sa likod ng C.R at sa bibig na mismo ni Laura nanggaling na may nangyari sakanila."
Tumahimik si Cody at tinuloy ang pag mamaneho.
"Anong plano mo niyan?"
Tanong niya sakin.
"Lumayo dito para maka move on ako, gusto ko sa malayong malayo kahit sa bundok na ako mapadpad ok lang basta ayoko na dito."
"Paano ang pah aaral mo?"
"Hihinto mun ako, may naipon naman akong pera kahit papano."
Huminga sya ng malalim bago nag salita.
"Gusto mo lumipad tayo papuntang U.S? May bahay ako doon kung ok lng sayo."
Di na ako nag dalawang isip pumayag na ako, ang importante makaalis ako dito para makalimot. Sana maging masaya silang dalawa.
(Ok this is not done yet :) sorry kung medyo di maganda ang chapter na to. Sa next chapter na ako babawi guys lol )
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomantizmWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...