Kirsten's POV
Nagising ako ng may narinig akong nag hihiyawan sa labas, tinignan ko ang wall clock at nanlaki ang mata ko ng makita kong 10:00 pm na, bigla akong napa bangon, ganun na ba pala kahaba ang tinulog ko, feeling ko lakaiglip ko lang eh.
"Cheating"
"No im not"
Yan ang narinig ko pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko. Mukhang hindi nag iisa ngayon si Reece ah. Pag labas ko ng sala hindi nga ako nag kamali, dahil may tatlong bisita si Reece na hindi ko kilala. Sabay sabay na tumingin sakin ang tatlo, akala mo nakakita sila ng multo ng makita ako.
"Hi"
Bati ko, doon naman tumingin si Reece, mukhang busy sa katext eh. Wow hah, di man lang mag response sa 'Hi' ko sa kanila.
"Ahmm.. Mga kumain na ba kayo? Sorry napahaba ang tulog ko kaya di na ako nakapag luto ng pagkain."
"Don't worry, nag order na kami ng pizza."
Sabi ni Reece, tumango naman ako, pupunta sana ako ng kusina ng bigla akong tawagin ng isang kaibigan ni Reece, mukha naman syang mabait.
"What is your name?"
"Kirsten po."
Tumayo sya at lumapit sakin.
"Such a beautiful name, i'm Hunter."
At nakipag shake hands sya sakin.
"Oi Reece di mo naman sinabi samin na may magandang maid ka dito."
Sabi nung isa, di ko alam ang pangalan.
"Oo nga, di mo man lang sinasabi samin."
"Nag tanong ba kayo? And she's not pretty."
Biglang nag init ang tenga ko sa narinig ko.
"Wow! Hiyang hiya naman ako sayo, edi ikaw na gwapo."
"Gwapo talaga ako."
Di ko na lang sya pinansin at pumunta na lang ako ng kusina, nagugutom na ako eh, wala rin naman akong mapapala kung makikipag talo ako sa kanya. Naririnig ko silang nag hihiyawan sa labas pero di ko na lang sila pinansin pag katapos kong kumain dumiretcho na ako sa kwarto, buti busy sila kakalaro ng X-box kaya di nila ako nakita. Nag palit na ako ng damit, sinuot ko ang short ko at sleeve less na damit, sanay kasi akong magsuot ng short pag natutulog, minsan naka bra at panty lang ako kung matulog eh, di ko rin alam siguro baka nakasanayan ko na rin kaya ganun. Kinuha ko ang phone ko, pagbukas ko ng phone ko ang daming pumasok na mga messages, halos lahat eh sinisingil ako sa utang. Nireplyan ko naman sila isa isa na babayaran ko naman sila pag nakasahod na ako, nag ok naman sila sakin kaya medyo napanatag na ang loob ko, nag open na lang ako ng facebook ko, as usual tadtad na naman ang notification ko, pati ang request friend list ko ang dami, dahil hindi ko sila kilala di ko sila kinonfirm, ilang oras na akong nag iinternet pero di pa rin ako dinadalaw ng antok. Palibhasa ang haba ng tinulog ko kaya di rin ako dinadalaw ng antok. Maka inom na nga lang ng gatas, baka sakaling antukin ako. Tumayo na ako ng kama ko, wala na akong naririnig na ingay mula sa labas, baka nag si uwian na ang mga kaibigan ni Reece. Di na ako nag bukas ng ilaw sa sala tutal may ilaw naman sa kusina kaya medyo kita ko naman ang dinadaanan ko. Nang makarating na ako sa kusina ang daming kalat ng lababo, bwisit talaga tong mga lalaking to, di man lang marunong mag hugas, oh nakalimutan ko nga pala, trabaho ko nga pala yan. Ang hirap talaga pag rich kid eh, umaasa lang sa mga katulong nila tsk tsk tsk. Binuksan ko na ang ref, may nakita naman akong fresh milk kaya kinuha ko na agad, pag sara ko ng ref nagulat ako.
"Ay anak ka ng kabayo, ano ba!! Kung may sakit lang ako sa puso hinimatay na ako sayo!"
"Ako? Anak ng kabayo? Sa gwapo kong to?.."
![](https://img.wattpad.com/cover/88579883-288-k381835.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...