Chapter 9

26.4K 358 15
                                    

          Kirsten's POV

"Reece mamaya pala pupunta ako sa bahay ni Cody para mag practice ng kanta."

Nakita kong napatayo sya sa sofa.

"What? Hindi pwede."

Napatigil ako sa pag wawalis ko .

"At bakit hindi? Mag papractice kaming dalawa ng kanta namin para sa contest sa next week."

"I said no, period."

At humiga sya sa sofa at tinuloy ang panonood ng football.

"Sa ayaw at sa hindi pupunta ako sa bahay nila Reece. Pag kami natalo sa contest ikaw ang sisisihin ko!"

Bwisit sya, akala mo magulang ko kung makapag bawal sakin, hindi ko naman sya boyfriend. Kung makapag higpit sya sakin akala mo kung sino. Oo amo ko sya kaya dapat sumusunod ako sa utos niya, pero pag dating na sa ganito walang amo amo sa kanya.

"Umiiral na naman yang pagka seloso mo eh."

"Excuse me? Me nag seselos? Hindi no!"

"Ok sabi mo eh, bigyan mo ako ng reason kung bakit bawal akong pumunta sa bahay nila Cody? At sa tuwing magkasama kami laging bad mood ka! Anong ginawa ba sayo ng taong yun at ang init init ng dugo mo sa kanya."

"Ahmm.. Fvck! Ok! I admit it! Nag seselos nga ako! Happy?"

Nagulat ako sa sinagot niya, si Reece nag seselos? Bakit?

"Bakit?"

Yun lang ang natanong ko, bakit sya nag seselos? Sa anong dahilan?

"Are you stvpid or what?! Hindi mo ba napapansin ang pagiging possesive ko sayo? Ayaw ko mang aminin sa sarili ko na gusto kita, pero traydor ang damdamin ko eh. Di ko mapigilang hindi ka gustuhin."

Na schock ako sa confess ni Reece, feeling ko huminto ang tibok ng puso ko ng sabihin niya yun. Ako? Gusto ni Reece? Paano nangyari yun?

"I like you Kirsten. Kaya nga sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Cody naiinis agad ako, kasi nga gusto kita."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung anong isasagot ko, kung gusto ko nga rin ba sya or what. Ang bilis kasi ng pangyayari eh, feeling ko parang kahapon lang kami nagkakilala tapos ngayon may gusto agad sya sakin.

"Seryoso? Baka mamaya libog lang yan Reece."

"What fvck! Are you shitting on me? Hindi ako nag bibiro Kirsten na gusto kita."

Seryoso nga sya.

"How about you? Do you feel the same way?"

Tanong niya, ganun nga rin ba ang nararamdaman ko sa kanya? Kasi nung hinalikan sya ni Sophia nasaktan ako eh, kasi kung wala akong gusto sa kanya dapat di ako masasaktan ng ganun. Kahit si Melia nga pinag seselosan ko kay Reece.

"Say something"

Nagulat ako ng  magsalita sya.

"Ahm.. Siguro?"

"Siguro lang? Hindi ka sure?"

"E pano ba naman kasi, ang bilis naman kasi ng pangyayari eh, ilang buwan pa lang ako dito tapos may gusto ka na agad sakin. Paano nangyar..."

Nagulat ako ng hilahin niya ako paupo sa lap niya.

"Basta pag gising ko isang araw ikaw na lang lagi ang laman ng isip ko, di ka mabura tuwing nasaan ako. Lagi kang nandoon at hinding hindi ka nawawala, oras oras at minuminuto nasa isip kita."

I'm His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon