Kirsten's POV
Ilang linggo na ang lumipas, lagi na kaming nag aaway ni Cody, at lagi niya na rin akong nasasaktan physically. Parati na syang lasing pag umuuwi ng bahay, buti tulog na si Cole pag dumadating sya kaya hindi niya nakikita ang pananakit sakin ni Cody. Hindi na rin kami nagkikita tuwing umaga at lumipat na rin ako ng kwarto ko at hindi na tumabi sa kanya. Nag simula ang pananakit niya sakin ng kausapin ko sya na makikipaghiwalay na ako sa kanya, hindi sya pumayag at nagalit. At hindi nga ako nag kamali sa mga iniisip ko sinumbatan niya ako ng sinumbatan pero di naman na ako nasaktan sa sinabi niya dahil expected ko na rin naman na yun. At simula nun hindi na kami nag kikibuan pero lagi niya akong sinasaktan tuwing umuuwi sya ng lasing, kahit natutulog ako nagugulat na lang ako na sinasampal niya ako ng malakas. Pag sumasagot ako sa kanya nasusuntok na niya ako. Ang dami ko na ngang pasa sa katawan dahil sa ginagawa niya sakin, hindi naman ako makalaban dahil mas malakas sya sakin. Nasa sala ako ngayon, pinatulog ko na agad si Cole para kung sakaling magkasakitan na naman kami ni Cody e tulog sya, nagulat ako ng bumukas ang pinto at nakita ko si Cody na pageywang geywang. Lasing na naman sya, tumungin sya sakin at nag smirk.
"You b!tch! This is all your fault."
Sabi niya sakin, pero hindi ko sya pinapakinggan. Sanay na akong makarinig sa kanya na masasakit na salita.
"Hindi ko alam kung bakit hindi mo ako kayang mahalin eh"
Sabi niya ng makaupo sya sa harapan ko, pero hindi ko pa rin sya pinapansin.
"Anong meron ba yung lalaki na yun na wala ako hah? Ano?!"
"Mahal ko lang sya yun lan...(pak)"
"Don't say that again!"
Sabi niya sakin.
"Nag tatanong ka tapos mananampal ka! Ayaw ko na talaga! Aalis na ako dito!"
Sabi ko, tatayo na sana ako ng hawakan niya ang braso ko ng mahigpit.
"No! Subukan mo lang na umalis dito, mapapatay talaga kita"
Sabi niya na nanlilisik ang mga mata niya.
"Edi patayin mo! Mas mabuti na yun kaysa makasama ka! Sawang sawa na ako sa pananakit mo sakin!"
Sinampal niya ulit ako.
"Hindi mangyayari to sayo kung minahal mo lang ako at hindi niloko eh, kasalan mo to kaya nararanasan mo to!"
At sinuntok niya ako sa sikmura, namilipit ako sa sakit at napaupo sa sahig.
"Hinding hindi mag babago ang pag mamahal ko kay Reece kahit saktan mo pa ako ng maraming beses!!"
Nanlisik ang mga mata niya at lumapit sakin.
"Ah ganun hah."
Hinila niya ang buhok ko at pinatayo ako at pinag sasampal ng malakas.
"Ito pala ang gusto mo, nasasaktan hah."
At pinag susuntok niya ako sa katawan ko, wala akon magawa dahil ang lakas niya. Nanghihina na ako sa ginagawa niya sakin, nang magsawa na sya binitawan na niya ako at umalis na sya tumama pa ang ulo ko sa sahig kaya parang nahilo pa ako, hindi ko kayang igalaw ang mga braso at binti ko, sa sobrang sakit na ginawa ni Cody sakin. Habang tumatagal palala sya ng palala, kailangan na namin ni Cole na umalis dito sa bahay na to, dahan dahan kong inaabot ang cellphone ko sa upuan at tinawagan ang number ni Reece, alam kong nasa pilipinas pa rin sya ngayon pero kailangan ko lang marinig ang boses niya para kahit papano magkaroon ako ng lakas. Ilang ring lang ay sinagot na niya agad.
"Hi baby, napatawag ka? Miss mo na ba ako hah?"
Sabi niya.
"Kailan ka ulit pupunta ng texas? (Cough)"
"Next month bakit?"
Shet! Ang tagal pa pala, paano ko sasabihin sa kanya sasabihin ang kalagayan ko, ayaw ko namang mag alala sya.
"Mommy?"
Napalingon ako sa hagdan at nakita kong tumatakbo pababa si Cole.
"Oh my god mommy! What happen to you!"
At bigla syang umiyak.
"Who did this to you mommy"
Sabi niya habang umiiyak, niyakap ko sya para tumahan, wala na akong lakas dahil nang hihina na ako.
"Mommy, say something, who did this to you. Mommy"
Ayaw kong sabihin na si Cody ang gumawa nito dahil baka kamuhian sya ni Cole.
"A bad bad guy"
Sabi ko parang bulong lang ang pag kakasabi ko na yun sa kanya.
••••••••••••••••••••
Reece's POV
"Hello! Kirsten! Hello! Anong nangyari!"
Pero walang sumasagot, iyak lang ni Cole ang naririnig ko.
"Mommy!!! Mommy!! Wake up mommy!!!"
Kinabahan agad ako sa naririnig ko, mukhang may nangyaring hindi maganda kay Kirsten.
"Hello! Son! Hello!"
Iyak lang ang naririnig ko sa background, tumayo agad ako sa kama at nag pa book ng flight papuntang Texas, sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko, ano kayang nangyari kay Kirsten, kailangan makarating agad ako doon. Nilagay ko ulit ang cellphone ko sa tenga, hikbi na lang ang naririnig ko sa background.
"Dont leave me mommy"
Yun na lang ang narinig ko at namatay na ang linya baka na lowbat na ang cellphone ni Kirsten. Biglang pumasok sa isip ko ang huling sinabi ng anak ko "dont leave me mommy"? Anong ibig sabihin nun? Biglang lumakas ang tibok ng dibdib ko. Kung ano anong pumapasok sa isip ko na imahenasyon, kumuha lang ako ng damit at nilagay yun sa maleta at nag bihis lang ako. Nakita ko pa si Daddy at Tita na kumakain sa baba, tinawag pa nila ako pero hindi ko na sila pinansin, kailangan kong mag madali para makarating agad sa airport. God damn it!! Traffic pa, kung kailan ako nag mamadali nastuck pa ako sa traffic. Ang tagal kong na stuck bago ako nakarating sa airport, sakto flight ko na at tinawag na ang number ko at pumunta na ako sa eroplano. Kakapasok ko pa lang sa loob gusto ko ng umandar ang eroplano para makarating agad ako sa Texas, ilang minuto pa ang lumipas at umandar na ang eroplano. Jusko sana walang nangyaring masama kay Kirsten, umaga na ako makakarating doon dahil mahabang oras panang bununuin sa eroplano. Ano kayang nangyari kanya, sobrang pagdarasal ang ginagawa ko para lang walang mangyaring masama kay Kirsten. Pag may nangyaring hindi maganda kay Kirsten hinding hindi ko mapapatawad si Cody dahil pinabayaan niya ang babaeng mahal ko. Kahit anong gawin kong pag papakalma sa sarili ko hindi mawala ang kaba ng nararamdaman ko at hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Gusto ko ng lumanding to sa texas ngayon din. Gustong gusto ko ng makita ang mag ina ko kung ok lang ba silang dalawa.
To be continued..
Sorry for the short update, walang pumapasok sa utak ko ngayon :)
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...