Kirsten's POV
Madalas na kaming lumalabas ni Reece at madalas na ring merong nangyayari samin, na giguilty na nga ako sa ginagawa namin eh, sa tuwing na kikita ko araw araw si Cody na kokonsensya ako, alam kong mali ang ginagawa namin ni Reece may karelasyon akong tao tapos nakikipag talik ako kay Reece, kasalanan sa diyos tong ginagawa namin, kahit gusto ko ng ihinto kung anong meron kami ngayon ni Reece hindi ko magawa, gusto ko na ngang makipag hiwalay kay Cody kaso di ko magawa dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya, kung hindi sa kanya at sa pamilya niya hindi ko maaabot tong karangyaan na nararanasan ko ngayon. At ayaw kong masaktan si Cody pag nagkataon.
"Ang lalim ng iniisip mo, may problema ba?"
Tanong ni Cody habang naka higa kami ngayon sa kama.
"Wala, iniisip ko lang yung sa trabaho ko."
"Napapansin ko nga lagi ka ng busy, mag pahinga ka naman kahit minsan, puro ka work eh."
Kung alam mo lang Cody ang ginagawa ko, yun sana ang gusto kong sabihin sa kanya pero syempre hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang mga nangyayari samin ni Reece.
"Ok lang ako, mag papahinga na lang ako pag di ko na talaga kaya ang trabaho."
Sabi ko sa kanya, tumango lang sya at pinatay na ang lamp shade. Nag 'good night' lang kami sa isa't isa at tumalikod na ako sa kanya, bigla ko naman agad na miss si Reece, hindi ko alam kung anong meron samin ngayon, ang alam ko ay nag eenjoy ako pag kasama ko sya, ang laki na talaga ng pinagbago niya kumpara dati, kung dating sweet sya noon mas sweet sya sakin ngayon at sobrang gentleman. Sa tuwing lumalabas kami ingat na ingat talaga sya sakin, para akong porcelain na mamahalin na ayaw mabasag. Minsan naiinis nga ako pag sumosobra na sya sa kasweetan niya eh, habang tumatagal mas lalong nahuhulog ulit ang loob ko sa kanya. Lagi niya akong sinasabihan na hiwalayan ko na si Cody pero ako lang ang may ayaw, pinapaintindi ko naman sa kanya kung bakit. Minsan nagtatalo kami pag yun ang pinag uusapan pero nagbabati din kami agad pagkatapos makipag debatehan sa kanya. Ano kayang sasabihin ng parents ni Cody pag nalaman nilang niloloko ko ang anak nila, siguro magagalit ng husto sakin sila mama at papa, baka isumbat nila lahat ng naitulong nila sakin. Pero sana wag naman mangyari yun, baka hindi ko kayanin ang mga sasabihin nilang sumbat sakin.
Pabaling baling ako sa higaan, hindi kasi ako dinadalaw ng antok dahil sa kakaisip, tumayo ako ng kama at pumunta sa veranda para mag pahangin, ramdam ko na ang lamig ng U.S dahil malapit ng mag December. At ilang buwan na lang ikakasal na ako kay Cody, wala ng atrasan to pag nagkataon, kailangan ko ng pag isipan kung magpapakasal ba talaga ako kay Cody or hindi. Ang hirap ng ganitong sitwasyon, yung ma-stuck ka sa gitna kung sinong pipiliin mo, kung yung taong mahal mo or yung taong tumulong sayo para makalimutan mo ang taong nanakit sayo. Masisiraan talaga ako ng ulo pag nag isip pa ako ng sobra, pumasok na ako sa loob at humiga, kailangan ko ng matulog dahil bukas maaga pa akong papasok bukas.••••••••••••••••••••
"Cody ako ng maghahatid kay Cole ngayong umaga."
Sabi ko habang nag hahanda ako ng almusal namin.
"Ok ikaw bahala."
Sabi niya at nag basa na ng dyaryo, bumaba na rin si Cole mula sa taas at umupo na sa pwesto niya, simula ng binigyan sya ni Reece ng bumble bee na laruan lagi na niya itong dala dala kahit saan mag punta, hinahayaan na lang namin sya para hindi umiyak. Sabay sabay na kaming kumain ng almusal at si Cody na ang nag ligpit ng pinagkainan namin ng matapos kaming kumain, pinaliguan ko na si Cole at binihisan at ako naman ang sunod, naramdaman kong nag vibrate ang phone ko at ng makita ko kung sinong nag text napangiti ako.
Reece:
Good morning sunshine ;) see you later :)Yan ang text niya, magkikita kasi kami ngayon sa Downtown at pupunta kami ng San Antonio para mamasyal. Naligo agad ako at nag bihis ng damit, ng makapag ayos na ako nakita kong naka upo si Cole sa sofa at nilalaro ang toys niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/88579883-288-k381835.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...