Chapter 38

14.1K 250 36
                                    

           Kirsten's POV

Lumipas na ang isang buwan wala namang nangyari sakin, at wala na ring death threath na nag titext sakin, paglumalabas kami lagi kaming may kasamang guard. Wala na akong balita kay Cody kahit sa mga magulang niya hindi ko na rin nakakausap. Isang beses nga nagsabi sakin si Cole na miss na niya ang lolo at lola niya, kung ano anong kasinungalingan lang ang sinabi ko mapaniwala lang sya, kahit si Cody hinahanap niya rin sakin bakit daw hindi namin kasama si Cody dito sa pilipinas. Hindi ko sinagot ang tanong niyang yun dahil ayaw kong marinig ang pangalan niya. Magaling na rin ang mga pasa ko at maaliwalas na ang itsura ko hindi tulad nung unang punta ko dito talagang puro pasa ako. Nag kaayos na kami ni mama at nag usap kami kung bakit niya ako pinabayaan, pina intindi niya sakin ang lahat.

Flashback

"Ma, bakit mo naman ako pinabayaan? Simula ng iwan mo ako kanila lola pinabayaan mo na ako, ilang buwan ka lang nag padala ng pera pagkatapos nun wala na. Bakit?"

Umiyak sya at niyakap ko naman sya.

"Kung alam mo lang ang nangyari sakin anak kung paano ako minaltrato ng amo ko. Nangatulong ako sa ibang bansa para lang matustusan ka, sobrang pang aapi ang ginawa nila sakin, nung una binibigyan nila ako ng pera pero kanalaunan hindi na nila ako pinapasahod. Tumakas ako doon at kung saan saan ako napadpad para lang makahanap ng trabaho agad at pang padala sayo. Ang kaso Nagpalaboy laboy ako nun, wala akong matirahan, walang damit na maisusuot, minsan lang ako makakain ng pagkain nun anak. Nung mga oras na yun gusto ko ng sumuko pero ikaw ang iniisip ko ng mga panahon na yun, wala na nga ang papa mo pati ba naman ako mawawala din, kaya hindi ako sumuko nun anak para sayo. At isang araw nakilala ko nga ang Daddy ni Reece, na bangga niya ako pero kasalanan ko naman yun dahil hindi ako tumitingin sa daanan, at simula nun tinulungan niya ako, pinasok niya ako as a secretary niya. Nang makaipon ng malaking pera pinayagan akong umuwi ng daddy ni Reece na umuwi ng pilipinas, at nang pumunta ako doon sa bahay ng lola mo wala ka na doon at nabalitaan kong namatay na sila. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin nun dahil wala akong kilalang mga kaibigan mo. Hanggang sa maka balik ako ng U.S iniisip ko kung nasaan ka, kung ok ka ba araw araw, ni minsan hindi kita kinalimutan anak. Lagi kang nasa isip ko minuminuto, kaya nga ng makita kita kanina hindi ko alam ang gagawin ko. Akala ko na nanaginip lang ako nung mga oras na yun. Ang saya saya ko ng makita kita, parang dati lang ang liit liit mo pa ng iwanan kita pero ngayon, may anak ka na at ang gwapo pa. Hindi porket malaki ka na e hindi na kita baby girl, ikaw pa rin ang baby ni Mama anak."

Naiiyak ako sa mga kwento ni mama, kaya niyakap ko sya ng mahigpit. Akala ko pinabayaan niya talaga ako, yun pala hindi, nag tanim pa ako sa kanya ng galit yun naman pala hindi niya pala talaga ako iniwanan. Pareho kaming nag iyakan ni mama.

"Para tayong baliw na dalawa ma, tama na nga ang iyakan natin, ang importante nag kita na tayo ulit. Ikwento mo naman kung paano kayo nag ka inlove-ban ng Daddy ni Reece ma."

Sabi ko habang pinupunasan ang luha ko, pinunasan niya rin ang luha niya bago nag kwento, ang dami pa pala nilang pinag daanan bago naging sila, marami daw kasing nag sasabi na 'gold digger' sya pero hindi inintindi daw yun ni mama, ang alam niya mahal ni ang daddy ni Reece, 3 years na pala silang mag boyfriend/girlfriend. Akalain mo yun ang tagal nilang mag jowa ah. Nang matapos syang mag kwento sa love story nila, ako naman ang sunod na pinakwento niya, hindi ko na sinama yung about samin ni Cody dahil ayaw niyang marinig ang pangalang Cody, nag kwentuhan lang kami ng nag kwentuhan dahil ang tagal naming hindi nag usap ni mama.

Present day...

Malapit na pala ang christmas, ano kayang pwedeng ipangregalo sa kanila. Kailangan ko na sigurong mamili bukas para maibalot ko na ng maaga, habang nakatayo ako sa veranda ng kwarto namin napa ngiti ako ng yumakap si Reece mula sa likod ko.

I'm His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon