Chapter 11

22.6K 362 7
                                    

(Ito po si Kirsten, para may idea kayo kung ano ang itsura niya)

        Kirsten's POV

1 week later...

"Oh my god Cody, kinakabahan talaga ako ngayon."

"Relax ka lang"

Ngayon na kasi ang araw ng contest namin, pinag papawisan ang dalawang kamay ko sa sobrang kaba. First time ko kasing mag perform sa madaming tao. Nasa back stage kami ngayong dalawa ni Cody para mag hintay sa performance namin.

"You look pretty"

Napatingin ako kay Cody, ngumiti naman ako sa kanya.

"Thank you, ang pogi mo naman."

Ngumiti naman sya, habang papalapit ang number namin lalong nadadagdagan ang kabang nararamdaman ko.

"Kirsten relax."

Napatingin ako sa kamay niya ng hawakan niya ang mga kamay ko. Wala namang malisya yun sakin kaya hinayaan ko lang sya.

"Nandito lang ako ok?"

Tumango ako sa kanya, ng marinig ko na ang number namin tinignan ko sya.

"Let's go."

At hinawakan niya ang kamay ko, huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo. Hawak hawak pa din ni Cody ang kamay ko habang umaakyat kami ng hagdan, nasilaw ako ng makatungtong ako sa stage, tutok na tutok ang ilaw samin.

"Let's gave them applause to Miss Marano and his partner Mr Sprayberry!!"

At narinig ko ng nag palakpakan ang mga tao, kinakabahan talaga ako. Kirsten, relax makakaya ko to.

"Ready?"

Tumango ako kay Cody, at nag umpisa na syang mag strum. Nang kumanta na si Cody ang daming nagtiliang babae, nakakabingi ang sigaw nila. At ng malapit na sa chorus huminga muna ako bago ko sinabayan sya.

"What's it gonna take to show you
I'd give the world up just to hold you
When the stars fill up the sky
They got nothing on your eyes
What's it gonna take to show you
I'd give the world up just to hold you
When it all becomes too much
I hope this song will be enough

Aye,aye,aye,aye,aye,aye,aye,aye,aye,aye,aye oh
They got nothing on your eyes"

Lumapit ako sa kanya at inakbayan ko sya habang kumakanta, naka ngiti sya sakin at naka tingin lang ako sa kanya.

"No matter what i do
It's like you never see you
The way that i want you to
You're the one that i've been dreaming of
All this time"

At sabay na naman ulit kaming kumanta ni Cody, mag ka eye to eye kaming kumakanta sa chorus.

"They got nothing on your eyes"

At nag palakpakan ang mga tao ng matapos kaming kumanta.

"All right!! Maganda ba ang performance nilang dalawa!!!"

Sabi ng Emcee, sumigaw naman ang mga tao ng 'oo' ngumiti naman ako sa kanilang lahat.

"Alright! Bagay ba silang dalawa!!!"

Nabingi ako sa sigaw nilang 'OO' jusko po, buti wala si Reece ngayon kung hindi nako, magseselos na naman yun.

"Mag pahinga muna kayo sa loob, tatawagin na lang namin kayo kung sinong tatanghaling manalo."

Sabi ng Emcee at bumaba na kami ni Cody. Hinawakan niya ako sa beywang dahil medyo mahirap bumaba ng stage dahil ang dilim ng tutungtungan ko.

"See? Natapos natin ng walang mali"

I'm His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon