Kirsten's POV
"Sama ka mamaya?"
Napatingin ako kay Reece.
"Saan naman?"
"Sa party, friday naman ngayon eh."
Tinuloy ko na ang pagluluto ng itlog baka masunog ng di oras.
"Hindi siguro, may pasok ako mamaya eh, tapos may practice pa kami ni Cody."
"Cody again? Pwedeng sa susunod na araw na lang kayo mag practice. Mag enjoy ka naman kahit papano."
Tinignan ko sya, naka kunot ang mukha niya habang nakaringin sakin, bat ba ang init ng dugo niya kay Cody? Wala namang ginagawa si Cody sa kanya.
"Ok, pero di ako sasama sa party niyo, dito lang ako sa bahay."
"What?! Sumama ka na para naman mag enjoy ka. Wala namang pasok bukas eh."
"Pag iisipan ko."
At nilapag ko na sa mesa ang mga pagkain, lagi ko na syang sinasabayan sa pagkain, kahit ayaw ko pinipilit niya pa rin ako.
"Susunduin kita sa school mo at diretcho na tayo sa bahay ni Tyler."
Di na ako sumagot at kumain na lang ako.
==============
"Ano? May practice tayo ngayon?"
Tanong ni Cody habang nag lalakad kami sa hallway, wala ngayon si Melia dahil may pinuntahan sabi ni Cody kaya kaming dalawa lang ang magkasama.
"Bukas na lang siguro, may lakad ako ngayong. Pupunta na lang ako sa inyo bukas."
"Sure, tawagan mo na lang ako pag malapit ka na sa bahay"
Tumango ako sa kanya, palabas pa lang kami ng gate ng makita ko na si Reece na naka sandal sa kotse niya, ang hot niya naman sa suot niya. Nang makita na niya ako lumapit sya sa pwesto namin.
"Let's go"
Yumakap lang ako kay Cody at nag paalam na sa kanya.
"Bukas na lang ha"
Tumango sya sakin, nagulat na lang ako ng hawakan ni Reece ang kamay ko at hinila. Bastos din tong isang to eh no, kitang may kausap. Pag tingin ko sa likod ko wala na si Cody, tinignan ko ang kamay ko na hawak niya, PDA? Nang nasa kotse na niya kami pumasok na ako sa front seat.
"Mag bihis ka muna ng damit tapos alis na tayo."
Sabi niya at pinaandar na niya ang kotse, tumuloy ako kwarto ko at nag hanap ng pwedeng suotin, wala ako masyadong makita dahil hindi naman ako pala labas. Kinuha ko na lang ang short ko at nag long sleeve ako, tinupi ko ang sleeve ng damit ko at tinuck-in. Nag lagay lang ako ng konting make up at binuksan ko ang ilang pirasong butones ng damit ko para makita ang cleavage ko. Nilugay ko ang buhok ko, ng makita ko ang itsura ko sa salamin ibang iba na ang itsura ko. Lumabas na ako ng kwarto nakita ko si Reece na naka upo sa sala habang nanunuod, ng makita niya ako nanlaki ang mata niya.
"Wow, you look hot."
"Thanks ikaw din."
At kinuha ko ang sapatos sa shoe rack.
"Ano pang tinatanga mo dyan? Tara na."
Sabi ko kay Reece, pano ba naman kasi naka upo pa din sa sofa.
"Parang ayaw ko na ngang umalis eh. I want to fvck you right now, seeing you like that makes me turn me on."
Napapa iling na lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
רומנטיקהWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...