Kirsten's POV
Minulat ko ang mata ko, bakit iba ang itsura ng kwarto kumpara sa kwarto namin? Nasaan ba ako? Nasa langit na ba ako? Tinignan ko ang suot kong damit, bakit ganito ang suot ko at bakit may mga tubes ako. Pagtingin ko sa kaliwa nandoon si Reece naka sandal ang ulo na tutulog. Ano bang nangyari sakin? Pinikit ko ang mata inaalala ko kung anong nangyari sakin at doon ko na naalala na nabangga pala ako. Umayos ako ng higa, pag galaw ko pa lang naka ramdam na ako ng pananakit ng katawan. Doon na nagising si Reece.
"Babe? Thanks god your awake."
Naka isip ako ng idea.
"Huh? Babe? Ako po ba ang tinutukoy mo? Sorry hindi po ako si Babe si Kirsten po ako. Sino ka ba?"
Nakita nanlaki ang mata niya, gusto kong matawa dahil sa reaksyon niya pero pinigilan ko lang, pagtitripan ko lang muna sya.
"Its me Reece, you're boyfriend."
Kunwari nag isip pa ako.
"Boyfriend? Sa pagkakatanda ko wala akong naging boyfriend eh. At Reece? Wala akong kilalang ganyang pangalan."
Gusto ko na talagang tumawa dahil nakakatawa ang reaksyon niya. Tatayo na sana sya pero pinigilan ko lang.
"Saan ka pupunta?"
"Tatawagin ko ang doctor, ipapacheck kita kung bakit di ka nakaka alala"
Dun na ako tumawa, nakita kong tumaas ang kilay niya at ang mukh epic.
"Joke lang, binibiro lang kita, halika nga dito."
Nakita kong tinignan niya ako.
"Wag ka ngang gumanyan, natatawa ako sa facial expression mo eh."
"Ikaw sa susunod ayusin mo ang pagbibiro mo ah, di ka nakakatawa."
"Relax ok?"
Lumapit sya sakin at umupo sa kama. Niyakap ko naman sya sa beywang.
"Sorry na"
"Di mo ba alam kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib ko ng sabihin mong hindi mo ako kilala? Magkaka heart attack ako sa pinag gagagawa mo eh."
"Sorry na nga eh."
Pi-nat niya lang ang ulo ko at hinahod hagod ang likod ko.
"How's your feeling?"
"Medyo masakit pa ang nararamdaman ko, kasalanan ko rin kasi kung bakit ako nandito. Di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko."
"Sa susunod mag ingat ka nga, sobra akong nag alala ng malaman kong na aksidente ka. Yung puso ko parang humiwalay sa katawan ko sa sobrang kaba. Bakit ka ba na bangga hah?"
Ang mommy mo kasi, biglang pumasok ulit sa isip ko ang sinabi ng mommy niya, yun pala ang dahilan kung bakit ako na bangga dahil sa sobrang pag iisip.
"Di ko rin alam eh, basta nawalan na lang ako ng malay at pag gising ko nandito na ako."
Niyakap niya ako ng mahigpit, napa daing ako sa sakit ng higpitan ni Reece ang pag kakayakap sakin.
"Im sorry, di ko sinasadya"
At bumitaw na sya ng pagkakayakap sakin.
"Ikuha mo mga ako ng tubig"
Tumango naman sya at lumabas ng room, di rin nag tagal dumating na sya. Sabi ko tubig lang pero ang daming dalang pagkain.
"Kumain ka na muna bago matulog."
Nilapag niya ang dala niyang pagkain at pinag balatan niya ako ng prutas. Masarap naman ang soup na pinakain niya sakin dahil naubos ko ito at ang prutas na binalatan niya para sakin. Parang di ako kumain ng isang araw sa sobrang gutom ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/88579883-288-k381835.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...