Kirsten's POV
Nagising ako ng may nag hagis ng tubig sa mukha ko, pag dilat ng mukha ko madilim sa paligid at ngayon ko lang napansin na nakatali ang kamay ko at paa sa upuan.
"Well well well, finally your awake."
Sabi ng boses mula sa gilid ko, hindi ko sya makita dahil madilim sa pwesto niya.
"Sino ka!! Anong kailangan mo sakin!!"
Sigaw ko, hindi ko matanggal ang kamay ko dahil sobrang higpit ng pagkakatali nila sakin.
"Ikaw talaga ang kailangan ko."
Parang familiar ang boses niya sakin hindi ko alam kung saan ko narinig ang boses na yun.
"Ano bang kailangan mo!! Pera ba?! Kung kailangan mo ng pera ibibigay ko sayo lahat ng meron ako!!"
"I don't need your money B!tch! Ikaw talaga ang kailangan ko."
"Sino ka ba! Mag pakita ka!"
Sabi ko sa kanya, hindi ko alam kung nasaan ako dahil wala akong makitang liwanag kundi ang ilaw lang na nagsisilbing naka tutok sakin. Narinig ko ang tunog ng sapatos niya na papalapit sakin, nanlaki ang mata ko ng tuluyan na syang makalapit sakin. Bakit sya? Sa dinami dami ng taong pwedeng gumawa nito sakin ni hindi pumasok sa utak ko na sya ang gagawa nito. Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya at nagawa niya ito sakin? Wala akong ginawang kasalanan sa kanya sa pagkakaalam ko.
"Bakit?"
Yan lang ang nasabi ko sa kanya, ang daming pumapasok sa isip ko bakit ang mommy ni Reece pa, ang nanay ng lalaking mahal ko pa ang gagawa nito sakin.
"Alam mo naman kung bakit di ba? Nung una pa lang ayaw ko na sayo. Akala ko di ka na mag papakita sa anak ko, at nalaman laman ko pa na may anak pa kayo. Tsk tsk tsk, mga gold digger, like mother like daughter nga naman talaga. Ikaw ang unang uunahin kong patayin at isusunod ko ang mama mo. Inagaw niyo ang lahat sakin!!!."
Sabay sampal niya sakin.
"Wala kaming inagaw sayo!!!"
Sigaw ko sa kanya, hinawakan niya ang dalawang pisnge ko at nilapit ang mukha niya.
"Inagaw ng mama mo ang asawa ko sakin! At inagaw mo din ang pagmamahal ni Reece na dapat sakin!! Inagaw niyo silang dalawa sakin!! Dapat lang na mawala kayo sa mundong ito!"
Binitawan niya ang mukha ko ng may narinig siyang kumatok sa pinto, pinapasok niya naman ang taong yun, hindi ko makita kung sino sya dahil madilim sa side na yun, unti unti ko ng nakikita ang mukha niya habang papalapit samin. Mas lalo akong nagulat sa nakita ko, paano sila nag kakilala ng mommy ni Reece? Kasabwat ba sya niya?
"Bakit Melia? Anong nagawa ko sayong masama?"
Sa loob ng maraming panahonh pinag samahan namin ni Melia hindi ko alam na magagawa niya to sakin. Kahit minsa hindi sumagi sa isip ko na magagawa niya ito.
"Anong wala! Inagaw mo sakin ang lalaking mahal ko!"
Hah? Sinong tinutukoy niya? Wala akong matandaan na may inagaw ako sa kanyang lalaki.
"Anong pinag sasabi mo Melia? Wala akong inagaw sayo."
Sinampal niya ako sa kabilang pisnge.
"Anong wala!! Inagaw mo si Reece sakin!!! College pa lang tayo mahal ko na sya!! Pero nung nalaman kong naging kayo nagalit ako! Pero hindi ko pinakita sayo yun dahil sinasabi ko sa sarili ko na may araw ka rin sakin, at ito nga yun. Kung nung dati e hindi ka pa namatay ng sinagasaan kita at nung binunggo kita ng nasa Texas pa tayo pwes ngayon matutuluyan ka na. Ang masa pusa mong buhay ay mauubos na ngayon."
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...