Kirsten's POV
Kanina pa ako pabalik balik kakalakad sa opisina ko, hindi kasi ako mapakali dahil sa pesteng dinner na yan eh. Hindi ko alam bakit pumayag ako sa alok niya, kung tinanggihan ko sana sya edi hindi ako nagkakaganito ngayon. Dinner lang naman yun Kirsten bakit ka ba kinakabahan? Sabi ng isip ko. Oo nga naman, dinner lang naman yun bakit ako napapraning ng ganito? Atsaka si Reece lang naman yun. Tinalo ko pa ang teenager na inalok ng date ng crush niya, umupo ako at sinandal ko ang ulo ko sa mesa.
"Ano bang nangyayari sakin, una pumayag ako na makipag s*x kanina tapos ngayon pumayag din ako sa dinner na inaalok niya. What's wrong with me?"
Isa lang ang ibig sabihin niyan, mahal mo na sya uli. Umiling ako ng maisip ko yun.
"No!"
Para akong sirang plaka dito, kung may ibang tao sigurong makakakita sakin iisipin nilang baliw ako. Paano kaya kung itext ko sya na hindi ako makakapunta? Wag baka nakapag handa na yun sayang lang ang effort na ginawa niya pag pina cancel ko ang dinner. Isama ko kaya si Cole? Tama! Para hindi kami mag kailangan pag kaming dalawa lang, tinawagan ko si Cody na pupunta kami sa hotel ni Reece dahil nandito na sya, sinabi kong gustong makita ni Reece si Cole. Pumayag naman sya at sinabing wag kaming mag papagabi. Binaba ko na ang phone, kailangan ko ng pumunta ng frisco para sunduin si Cole, nag paalam na ako sa mga stuff ko at sumakay na ako sa sasakyan at umalis na. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay nila Cody, kumatok ako at nakita kong si Cole ang nag bukas ng pinto.
"Mommy! You're so early."
"Ofcourse, we're going to your daddy."
"Which Daddy? Daddy Cody or Daddy Reece?"
"Daddy Reece"
Sabi ko.
"Really?! He's in town right now?"
Tumango ako at tumakbo sya sa loob at nag paalam.
"Lets go mommy."
Sabi niya ng makabalik, nauna na syang sumakay ng sasakyan nag paalam ako kanila mama at papa at sumunod na rin sa kanya.
"We're going home first ok."
Tumango sya at nag seat belt, maya maya nasa tapat na kami ng bahay at sabay kami ni Cole pumasok sa loob ng bahay, pinaliguan ko muna sya at binihisan at ako naman ang sumunod, pag pasok ko sa kwarto namin namula ako dahil naalala ko ang nangyari samin ni Reece kaninang umaga. Nag palit lang ako ng damit at nag lagay ng make up at lumabas na ng kwarto. Tinext ko kung saang hotel sya naka check in at sinabi niyang doon pa din sa dati ang nagbago lang ay ang room number niya. Tinago ko na ang phone at nakita ko si Cole na naka upo sa sofa nanunuod ng Sponge Bob.
"Cole let's go."
At pinatay ko na ang T.V at sabay na kaming lumabas ng bahay ni Cole.
"Mommy im so excited!"
Sabi niya ng makasakay kami sa kotse, ngumiti lang ako sa kanya at pinaandar ko na ang sasakyan. Ilang minuto lang ang binyahe namin papuntang Downtown Dallas at nasa tapat na nga kami ng hotel kung saan naka check in si Reece. Pumasok kami sa lobby at nagtanong sa receptionist kung merong naka check in na nag ngangalang Reece Behlendorf sinabi naman sakin kung saang room sya naka check in at sumakay na kami ni Cole sa elevator, hindi naman mahirap hanapin ang room number ni Reece dahil nakita ko kaagad yun, nag doorbell ako, wala pang ilang minuto bumukas na ang pinto at naka ngiting Reece ang nakita ko.
"Daddy!!!!!!"
Yumakap agad si Cole sa kanya at tinignan ako ni Reece, akala niya siguro mag isa lang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/88579883-288-k381835.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...