Kirsten's POV
"Cole, behave ok?"
"Ok mom."
"Good, aling aida ikaw na pong bahala kay Cole, kailangan na naming umalis ni Cody, baka malate kami sa party eh."
"Ok po mam, walang problema."
At hinalikan na namin ni Cody si Cole sa pisnge at sumakay na kami ng sasakyan, di naman nag tagal nakarating kami sa sinasabing address na pupuntahan namin. Inalalayan akong bumaba ni Cody at pumasok na kami sa hotel at sinabi kung saan ang party ni Mr.Wang, sinabi naman samin ng receptionist kung anong floor ang pupuntahan namin. Pumasok na kami ni Cody sa elevator at dinala na kami sa 20th floor. Pag bukas ng elevator binigay namin sa babae ang invitation namin at sinamahan kami ng isang stuff papunta sa party ni Mr. Wang, pag bukas namin ng pinto ang dami ng tao. Halos lahat mayayaman ang nandoon, may mga artista, pulitiko at kung ano ano pa. Hinanap namin si Mr. Wang, hindi naman sya mahirap hanapin dahil nakita agad namin sya, nilapitan namin sya ni Cody.
"Happy birthday Mr. Wang."
Napatingin sya samin at ngumiti.
"Thank you, im so glad that you both are coming to my party."
At inabot ni Cody ang gift namin sa kanila.
"Where's your son?"
Tanong ni Mr. Wang.
"Iniwan namin sa bahay, baka magkulit lang yun dito."
Sagot ni Cody.
"Oh, how's your father Cody?"
Tanong ni Mr. Wang.
"He's fine, by the way he send his regards to you."
Ngumiti lang si Mr. Wang at tinapik kami sa balikat dahil tinawag sya ng asawa niya, nag hanap na kami ng mauupuan ni Cody at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Laura at napatingin ako sa kasama niyang bata. Nakita ko ding nagulat sya ng makita ako.
"Kirsten?"
Sabi niya ng makalapit sakin.
"Omg! Its you, what are you doing here?"
Kahit galit ako sa kanya hindi ko pinakitang may galit ako sa kanya. Tumingin ako sa batang babaeng kasama niya, anak siguro to ni Reece. Reece?! Oh my god!!! Hindi kaya nandito din sya?! Parang magkaka-heart attack ako ng maisip kong nandito si Reece.
"Inimbitahan kami ni Mr. Wang sa birthday niya"
Si Cody na ang sumagot sa tanong niya, nahalata niya siguro ang pagka-panic ko.
"Oh i see, you look different Kirsten."
Ngumiti lang ako, tatanungin ko sana sya kung kasama si Reece pero tinawag na sya ng parents niya yata yun kaya nag excuse sya at umalis na. Napa hinga ako ng malakas ng umalis na sya.
"Nandito si Laura ibig sabihin kasama niya si Reece Cody."
Nag papanic na sabi ko.
"And so? Bakit ka natatakot?"
"Ewan ko."
Hinagod hagod niya ang likod ko, alam niyang kinakabahan ako.
"Kung nandito man sya ngayon wag kang matakot, nandito naman ako eh. At naka move on ka naman sa kanya di ba?"
Di ako naka sagot sa sinabi niyang yun, totoo nga bang naka move on na ako? Or baka sinasabi ko lang yun? Ang dali lang kasing sabihing naka move on na ako pero mahirap gawin. Tumango lang ako sa kanya, kung ano anong sinasabi niya pero di ko maintindihan dahil lumilipad ang isip ko. Maya maya nag salita na ang Emcee sa stage.
![](https://img.wattpad.com/cover/88579883-288-k381835.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...