(A/N: sorry guys kung medyo hindi maganda ang pag hihiwalay ni Reece at Kirsten. Malalaman niyo rin sa mga susunod na chapter kung bakit agad agad nakipag hiwalay si Kirsten. Enjoy reading guys!)
Kirsten's POV
5 years later.....
Dallas Texas, United States
"Mommy! Mommy! I hate daddy so much!"
Sabi ni Cole habang bumababa ng hagdan papunta sakin.
"Why baby? Does daddy scared you?"
Tumango ang 5 years old kong anak na si Cole.
"He put a spider in my shoulder mommy! I hate him!"
Sabi niya, kinarga ko sya at ginulo ang buhok.
"Where's daddy? So we can beat him up"
"He's in my room mommy."
Umakyat kami sa hagdan at pumunta sa kwarto ni Cole.
"I hate you daddy! I hate you!!"
Sabi ni Cole pagka bukas na pagka bukas namin ng pinto.
"Sorry buddy, don't hate me."
"No! I hate you!"
Natatawa na lang ako sa dalawang to.
"Ikaw kasi Cody eh, alam mo namang takot sya sa spider."
Natawa lang si Cody.
"Sorry buddy, come to daddy."
Lumapit naman si Cole sa kanya at nag pakarga.
"Tomorrow we're going to Sunnyvale wanna go with me buddy?"
"You mean? We're going to granny's house?"
Tumango si Cody sa kanya.
"Yehey!!"
Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa at bumaba na ako sa kusina para ituloy ang niluluto kong hapunan namin. Malaki ang pasasalamat ko kay Cody, kung hindi sa kanya hindi ko makakamit ang pangarap ko at salamat dahil natulungan niya akong maka move on. Mababait ang parents ni Cody, sila ang tumulong sakin makapag tapos ng pag aaral. Tinuring nila akong tunay na anak nila kaya sobra sobra talaga ang pasasalamat ko sa pamilya ni Cody. Ngayon ganap na akong isang successful na business woman, may sarili na akong kompanya dito sa texas, at si Cody sya ang tumuloy sa business ng mga magulang niya. Kahit papano naka tulong ang pag alis ko ng pilipinas.
"Ang lalim ng iniisip mo ah."
Nagulat ako ng yumakap si Cody mula sa likod ko.
"Naisip ko lang na ang laki pala ng natulong mo sakin."
"No problem, ikaw naman ang sukli ng mga yun at si Cole. Masaya na ako doon."
Na alala ko nung nanliligaw pa lang sya sakin, hindi niya talaga ako sinukuan kahit anong mangyari. Isang taon bago ko sya sinagot, nung una natatakot pa akong sagutin sya paano kung mangyari sakin ulit ang nangyari sakin dati. Ayaw ko ng masaktan, natatakot akong masaktan uli. Pero binigyan ko sya ng chance, hindi naman pare pareho ang lalaki eh, sadyang di lang siguro maganda ang love story namin ni Reece ng mga panahon na yun.
"Wag ka na ngang mag isip sa nakaraan mo, isipin mo ang future natin at ang kasal nating dalawa."
Next year ikakasal na kaming dalawa ni Cody, matagal tagal na rin naman kasi kaming nag sasama at wala namang problema sa relasyon namin, mas mabuti na sigurong mag pakasal na kaming dalawa. Tutal nasa tamang edad na kami at kaya na naming bumuhay ng mga bata.
"Tama ka dyan, asan na si Cole? Malapit ng maluto tong niluluto ko."
"Nasa kwarto niya, na nunuod ng phineas and ferb."
Tinulungan na akong mag handa ng pagkain ni Cody at tinawag na niya si Cole sa taas para kumain, sabay sabay na kaming kumaing tatlo ng hapunan.
••••••••••••••••••••
Reece's POV
Manila, Philippines
"Dude, sama ka mamayang gabi? Mag babar kami nila Tyler."
"Pass muna ako, busy ako ngayon."
"Pre, wag kang mag mukmok dyan, mag enjoy ka naman minsan. Baka lalo kang yumaman niyan."
"I'll try"
Sabi ko para manahimik na tong si Hunter.
"Don't try just do it dude"
Di ko sya pinansin at nag type na ako sa computer ko.
"We will fetch you here later."
Sabi ni Hunter at lumabas na ng opisina ko, napa buntong hininga ako. Tama nga siguro sila kailangan ko ding mag enjoy, 5 years din akong hindi nakakasama sa kanila mag bar, mas gusto ko kasing mag isa eh. Simula ng iwan ako ni Kirsten nagbago na ang takbo ng buhay ko, sa tuwing naiisip ko sya tinatanong ko sa sarili ko kung 'kamusta na sya' ni hindi niya man lang ako makuhang nag explain. Sariwa pa din ang sakit ng makipag break sya sakin ng ganun ganun lang, ni hindi ko ngang magawang mag girlfriend dahil sa kanya. Feeling ko pag nakipag girlfriend ako parang niloko ko sya kahit alam kung wala na kami. Aarrggh! Kahit anong gawin ko sya pa din ang sinisigaw ng puso ko, siguro tama nga sigurong mag enjoy ako para kahit papano makalimutan ko sya kahit panandalian lang. Saktong 6:00 pm sinundo nga ako ng mga kaibigan ko sa office, nag hi-five silang tatlo ng malaman nilang sasama ako sa kanila.
"Finally dude."
Sabi ni Knoche ng nasa loob na kami ng sasakyan niya, pinaandar na niya ang kotse at umalis na kami, pumunta kami sa pinaka sikat na club sa Makati, umorder kami ng alak sa counter at umupo.
"Let's have fun!!!!"
Sigaw ni Tyler at nag cheers kaming apat.
"Hi boys"
Sabi ng isang babae at lumapit sakin, wow hah ang dami namin pero ako talaga ang nilapitan.
"Hi handsome."
Sabi niya ng makalapit sya sakin at pina ikot ikot niya ang daliri niya sa dibdib ko, kinakapa ko ang sarili ko kung mag iinit ang katawan ko sa kanya pero hindi eh, wala syang epekto sakin. Itinulak ko sya ng mahina para maka alis sa harapan ko.
"No time for that."
Sabi ko at nakita kong kumunot ang noo niya at umalis, tinignan naman ako nila Hunter.
"What?"
Sabi ko sa kanila.
"Seriously dude?"
Sabi ni Knoche.
"Palay na ang lumapit sayo tinanggihan mo? Whats wrong with you?" Tyler
"E sa ayaw ko eh."
"Dude move on ka na sa kanya, ilang taon ka ng ganyan eh. Kailangan mong mag enjoy, babae lang yun, mas madami pang babae dyan hindi lang sya."
Biglang nag init ang tenga ko sa narinig ko.
"So anong gusto mong iparating hah?"
Galit kong sabi sa kanya.
"Concern lang naman kami sayo, ang tagal ka naminh hindi naka bonding sa ganito puro ka mukmok sa tabi at puro trabaho lang ang ginagawa mo. Minsan enjoy enjoy din"
"It's none of your business, hindi mo pa kasi alam ang mag mahal ng todo at masaktan."
Sabi ko at umalis na ako, na badtrip ako kay Tyler. Narinig kong tinawag pa nila ako pero di ko ka sila pinansin, paglabas ko ng club na alala kong wala pala akong dalang kotse. Kailangan ko pa tuloy mag commute, pumara na lang ako ng taxi at nag pahatid sa bahay.
To be continued....
![](https://img.wattpad.com/cover/88579883-288-k381835.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...