Kirsten's POV
"Say goodbye to Madison Cole."
"Bye Madison."
At nagulat kami ng halikan ni Cole si Madison sa pisnge, nag tawanan kami nila Cody at Aling Aida sa ginawa niya, nakita namin nag blush si Madison at tumakbo na si Cole papalapit samin, pumasok na kami sa sasakyan at nag wave kami sa kanilang dalawa.
"Mommy, balik ulit tayo dito ah."
"Sure baby."
"Yehey!!"
Natuwa lang kami sa kanya, ilang oras lang ay nasa airport na kami, kinuha na namin ang mga gamit namin at pumunta sa waiting area. Hinintay namin na tawagin ang aming flight at ng narinig na namin na kami na binuhat ko si Cole dahil naka tulog sya, si Cody na ang nag dala ng ibang gamit namin at pumasok na nga kami sa eroplano.
••••••••••••••••
Dallas Texas, United States
"Finally Mommy!!!"
Sabi ni Cole ng nasa loob na kami ng sasakyan, di rin nag tagal nasa bahay na kami. Binitbit na namin ang mga gamit at pumasok na sa loob.
"Mommy kailan tayo babalik sa philippines?"
Tanong ni Cole ng maka upo sya sa sofa.
"Ahm.. Next year why?"
"Because i want to play with Madi again."
Ngumiti lang ako sa kanya at pumasok na si Cody dala dala ang iba pa naming gamit.
=========
"Good morning mam, kamusta po ang birthday party ni Mr. Wang?"
Tanong ni Kate habang nag lalakad kami sa office ko.
"Ok lang, masaya naman."
Kahit hindi ko talaga na enjoy dahil nakita ko si Reece ng hindi sinasadya. Sinabi na sakin ni Kate ang mga aattendan ko na mga meetings. Tumango tango lang ako sa sinabi niya, mabilis lang lumipas ang oras at hapon na, kailangan ko ng umuwi para kunin si Cole sa mga lolo at lola niya, isang oras na namang biyahe to. Nag paalam na ako sa mga stuff ko at ganun din sila, tinawagan ko na ang mga parents ni Cody dahil kukunin ko na nga si Cole sa kanila. Ilang oras lang ay nasa tapat na ako ng bahay nila at nakita ko na si Cole, binaba ko lang ang bintana ng kotse ko at tinawag ko na si Cole, nag kiss lang sya sa mga lolo at lola niya at tumakbo na sakin.
"Hi Mommy!"
At nag kiss sya sa cheeks ko.
"Hello baby, how's your day?"
"Good mom, granny and i went to the park and i tell them about Madison."
At pinaandar ko na ang sasakyan at umalis na kami.
"Really?"
Kinuha niya ang phone ko sa bag at nag laro ng kung ano ano, di rin nag tagal nakarating na kami sa bahay, nandoon na si Cody dahil nasa tapat na ng bahay ang kotse niya. Ang aga niya namang umuwi, tumakbo na papuntang bahay si Cole at ako naman ang sumunod, pag pasok ko naka amoy agad ako ng pagkain kaya biglang tumunog ang tiyan ko. Ngayon ko lang naalala na hindi pala ako nag lunch.
"Mukhang masarap yang niluluto mo ah."
Sabi ko ng makapasok ako sa kusina, napalingon sakin si Cody at ngumiti, lumapit ako sa kanya at nag kiss sa lips.
"Yep, nag luto ako ng favorite mong adobong manok at sinigang na baboy para kay Cole."
"Yun oh, mukhang mapaparami ang kain namin ng anak kong to."
![](https://img.wattpad.com/cover/88579883-288-k381835.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomansaWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...