(Melia's Photo)
Kirsten's POV
"Mommy, mommy"
Nagising ako sa boses ni Cole.
"Yes baby? What's wrong?"
Napatayo ako, biglang kumirot ang tagiliran ko ng maalala ko na nag away pala kami ni Cody kagabi.
"Im fine mom, but you? Look at you mom, what happen to your face?"
Tumayo ako at tinignan ko ang itsura ko sa salamin, nakita kong ang dami kong pasa sa mukha at ang labi ko may sugat, pati ang leeg ko may pasa din dahil sinakal ako ni Cody. Hindi ko expected na ganito ang mangyayari sa mukha ko.
"I fell baby."
"In the stairs?"
"Yes baby."
At lumapit ako sa kanya at niyakap sya, hindi pwedeng malaman ni Reece ang nangyari sakin, baka magulpi lang ni Reece si Cody. Tumayo na ako at pumunta sa kwarto namin, ng pumasok ako sa loob wala si Cody doon kaya nagpalit na ako ng damit. Pag tanggal ko ng damit nakita kong may pasa ang tagiliran ko. Lalong nadagdagan ang galit ko kay Cody dahil sa ginawa niya, hindi ko alam na magagawa niya to sakin, akala ko pa naman hindi sya nananakit pero nagkakamali pala ako. Hindi ko pala talaga sya lubos nakilala. Bumaba na ako sa kusina para magluto ng almusal namin ni Cole. Mukhang maagang pumasok si Cody dahil wala din sya dito sa baba. Mas mabuti na yun kasya makita ko sya ngayon, galit ako sa kanya. Hindi muna siguro ako nito papasok ng ilang araw, kailangan kong pahilumin muna tong mga pasa ko bago ako pumasok sa opisina. Nang maluto ko na ang pagkain namin saktong bumaba naman si Cole.
"Lets eat baby."
Sabay na kaming kumain ni Cole, sinabi ko sa kanya na hindi ko sya ihahatid sa lola niya dahil hindi naman ako papasok. Atsaka ayaw ko ring makita nila ako ng ganito ang itsura ko, maghapon lang kaming nasa loob ng bahay ni Cole, sa bahay ko na lang ginagawa ang mga gawain ko sa office para kahit papano mabasbawasan ang gawain ko. Maya maya nag ring ang phone ko at si Reece ang nag appear sa screen, sasagutin ko ba or hindi?
"Hello."
"Hey baby, kamusta na? Free ka ba mamayang gabi?"
Sabi ni sa kabilang linya.
"Sorry hindi eh, next time na lang siguro."
Ayaw ko kasing makita niya ang itsura ko ngayon.
"Sayang naman, tomorrow pwede ka?"
"Hindi ko sure eh, pero itext na lang kita bukas kung pwede ako."
"Mommy! Is that daddy Reece?"
Tumango ako kay cole.
"Wanna talk to him?"
Tumango sya at lumapit.
"Kakausapin ka daw ng anak mo."
Inabot ko na kay Cole ang Cellphone at umupo sya sa sofa. Tumayo ako para kunin ang charger ng laptop ko ng marinig ko ang sinabi ni Cole.
"Im fine daddy, Daddy you know what, when i woke up this morning i saw mommy laying on my bed, she has a lot of bruise on her face and..."
Agad kong tinakpan ang bibig ni Cole at kinuha ang cellphone sa kanya.
"Hello, Reece ako to, wag kang maniwala kay Cole hindi totoo ang pinagsasabi niya."
At sinenyasan ko si Cole na wag maingay.
"Anong ibig niyang sabihin kanina? May nangyari ba sayo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/88579883-288-k381835.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...