Chapter 21

15.9K 238 12
                                    

           Kirsten's POV

Dallas Texas, United States

"Mom! Why aren't we going?"

Sabi ni Cole habang naka upo sa sofa.

"Just have to wait."

"Im bored."

Sabi ni Cole, manang mana ka talaga sya sa ama niya, sumpungin kung minsan. Maya maya bumaba na si Cody at bitbit ang mga gagamitin nila para mamaya.

"Let's go"

At tumayo na kami, tuwang tuwa si Cole ng nasa loob na kami ng sasakyan, sobrang excited niyang pumunta sa lolo at lola niya. Masyado nilang spoiled si Cole kaya minsan ang hirap suwayin sa tigas ng ulo. Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng bahay ng mga Sprayberry. Nauna ng bumaba si Cole papunta sa pinto at nag sisigaw ng 'Granny at Granpa' natatawa na lang kaming dalawa ni Cody habang pinag mamasdan sya. Biglang bumukas ang pinto at nakita namin si Kate, ang bunsong kapatid ni Reece.

"Cole!"

Sabi ni Kate at tumingin samin.

"Ate, Kuya, bakit di man lang kayo nag sabi na pupunta kayo dito."

"Biglaan lang eh."

Sabi ni Cody at naglakad na kami papunta sa loob, nakita ko sila mama at papa sa sala. Natuwa silang dalawa ng makita kaming tatlo nila Cody.

"My grandson!"

Sabi ni mama at lumapit si Cole sa kanila at pinag hahalikan ang lolo at lola niya sa mukha.

"I miss you granny and granpa."

"Aww.. You're so sweet, we missed you too"

Sabi ni Papa, simula ng naging kami ni Cody Mama at Papa na ang tawag ko sa kanila, sila naman ang may gustong tumawag ng ganun eh.

"Bakit di man lang kayo nag sabi na pupunta pala kayo dito."

Sabi ni Mama.

"Yun nga ang sabi ko sa kanila mom eh, di tuloy tayo nakapag prepare."

Sabi ni Kate.

"Para surprise daw sabi ni Cody."

Sabi ko at umupo na kami sa sofa.

"Kamusta naman kayong dalawa? Kailan ang kasal?"

Sabi ni Mama, natawa kaming pareho ni Cody sa tanong niya.

"Next year mommy."

Sabi ni Cody, tuwang tuwa ang dalawa ng malamang next year na kami mag papakasal. Kahit si Kate na tuwa din sa narinig.

"Saan balak niyong magpakasal?"

Tanong ni Papa.

"Sa pilipinas pa."

Sabi ko, tumingin sakin si Cody. Di niya kasi alam na gusto kong magpakasal sa pilipinas, ang alam niya lang next year ay mag papakasal na kami.

"Edi mas maganda para lahat ng mga kamag anak naming nandoon ay maka attend sa kasal niyong dalawa."

Sabi ni Papa habang nilalaro si Cole. Nang maiwan kaming dalawa ni Cody sa sala hinawakan niya ang kamay ko.

"Seryoso ka sa sinabi mo kanina? Na sa pilipinas tayo mag papakasal?"

"Yep."

"Sure ka na ba dyan? Baka ma.."

"Cody, past is past, naka move on na ako ok? Wag kang mag alala sakin."

Ngumiti lang sya pero hindi umabot yun sa mga mata niya, alam kung natatakot sya na pag nagkita kami ni Reece ay mag bago ang pagtingin ko sa kanya.

"Wag kang mag alala ok? Ikaw na ang mahal ko ngayon."

Tumango lang sya at tumayo, pumunta sya sa backyard kung nasaan sila Cole at ang mommy at daddy niya, napa buntong hininga ako. Totoo nga bang naka move on na ako? Or sinasabi ko lang yun. Siguro naka move on naman na siguro ako, kasi kung hindi pa dapat hindi kami ni Cody ngayon, kamusta na kaya sya? Masaya na kaya silang dalawa ni Laura? Simula kasi ng umalis ako ng pilipinas wala na akong contact sa kanya. Siguro masaya na yun dahil sila na ng bestfriend at first love niya. Tumayo na ako at sumunod sa likod, nakita kong nag lalaro silang apat, tuwang tuwa si Cole habang nakikipag laro sa mga lolo at lola niya, dagdagan mo pa si Cody na nakikipag laro din. Naka ngiti ako habang pinapanood ko silang apat, tinawag nila ako para makisali sa kanila, sumali naman ako at nakipag laro sa anak ko. Napaka swerte ko at nakahanap ako ng pamilya na mabait. Sabay sabay na kaming pumasok sa loob dahil napagod kaming makipag harutan kay Cole.

"Granny, can you make me a pancake please."

"Sure,"

Napaka spoiled ni Cole sa mga lolo at lola niya, napapa iling na nga lang ako minsan eh.

"Ma, akyat lang ako, kailangan ko lang kamustahin ang mga tao sa kompanya."

Tumango naman sya at umakyat na ako ng kwarto, pag kuha ko ng cellphone may miscall ako sa secretary ko na si Nadine, filipina din sya kagaya ko.

"Hello Nadine napatawag ka."

"Good afternoon mam, nakareceive po ako ng email kay Mr. Wang, iniimbitahan ka po niya sa 70th birthday niya na gaganapin sa pilipinas."

"Ganun ba? Kailan ba yan?"

"Thursday mam next week."

Tinignan ko ang kalendaryo ko kung may mga appointment ako, wala naman kaya pwede akong maka attend.

"Ok, itext mo na lang sakin kung saan sa pilipinas gaganapin ang birthday niya."

"Ok po mam"

At binaba ko na ang phone ko, maya maya pumasok si Cody sa kwarto.

"Hon, kilala mo si Mr. Wang right?"

"Yeah why?"

"Gusto niyang imbitahin tayo sa birthday niya, kaso sa pilipinas niya gaganapin. Ok ba sayo yun?"

"Really? Sure. Matagal tagal na din tayong hindi nakaka uwi ng pilipinas."

Ngumiti ako sa kanya at naka receive na ako ng text mula kay Nadine.

"Isama natin si Cole para naman kahit papano makapunta sya ng pilipinas."

Tumango sya at umupo sa tabi ko.

"Bakit?"

Sabi ko sa kanya, para syang malungkot na ewan.

"Natatakot lang ako what if magkita kayo ni.. Alam mo na at iwan mo ako, yun ang kinakatakot ko."

Humarap ako sa kanya.

"Wag mo ngang isipin yan, malaki ang pilipinas imposibleng magkita kami ni Reece doon, at wag kang matakot na iiwan kita ok?"

Sabi ko sabay yakap sa kanya, napa isip ako doon sa sinabi niya, what if mag cross nga ang landas namin ni Reece? At bumalik ulit ang nararamdaman ko sa kanya anong gagawin ko? Ayaw kong dumating sa point na saktan si Cody dahil una sa lahat, sya ang tumulong sakin kung bakit ako nandito ngayon, at sya ng pamilya niya ang nag paaral sakin hanggang sa makatapos ako. Ayaw ko namang suklian ko sila na ang anak nila ay sinaktan ko. Pero sana wag talaga dumating sa point na yun ang mga hinala ko.

To be continued...

I'm His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon