Reece's POV
Ilang araw na ang lumipas hindi pa rin nagigising si Kirsten natapos na ang pasko pero nasa ospital pa rin sya, ang sabi ng doctor na comatose daw sya kaya hindi namin alam kung kailan sya magigising, lagi ko syang kinakausap gabi gabi, yan ang bilin samin ng doctor dapat kinakausap daw namin sya. Hawak ko ang kamay niya ngayon habang nakatingin sa kanya.
"Alam mo miss ka na namin ni Cole, bakit daw ang tagal mong gumising, na mimiss na niya daw ang luto mong pancake. Na mimiss ko na din ang boses mo at mga ngiti mo, kailan ko ba makikita ang magaganda mong ngiti ulit? alam mo may gift ako sayo nung pasko, kaso di mo pa makikita yun dahil tulog ka pa. Magugustuhan mo yun panigurado."
At hinalikan ko ang kamay niya.
"Kailan ka ba magigising? Gusto na kitang makatabi sa higaan, masyadong maluwag ang higaan ko pag wala ka sa tabi ko, oo nga pala kinakamusta ka ng Sprayberry family, tinatanong nila kung kailan ka daw dadalaw sa Texas, miss na daw nila kayong mag ina."
Hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos ang pisnge niya.
"I love you."
At tinignan ko sya, hanggang kailan kaya sya ganito, gustong gusto ko na syang gumising dahil sobrang miss ko na sya. I missed her touch,her lips and her voice. Sana magising ka na Kirsten please lang. At hinalikan ko ang kamay niya dahil nakakaramdam na ako ng antok. Pinatong ko ang ulo ko sa kamay niya at pinikit ko na ang mga mata ko.
•••••••••••••••
Natapos na ang new year hindi pa din na gigising si Kirsten, ni hindi ko man lang nagawang mag enjoy dahil sa kalagayan niya, sa hospital namin ginanap ang bagong taon para kahit papano kasama namin sya kahit ganun ang kalagayan niya. Ni hindi ko na ngang magawang mag trabaho dahil mas gusto kong bantayan si Kirsten. Kaya pa naman daw ni Daddy na magpatakbo ng kompanya kaya ok lang daw na bantayan ko muna si Kirsten. Nakapag pasalamat na rin ako kay Melia dahil tinulungan niya si Kirsten na makatakas, sinabi niya sakin ang lahat lahat ng dinalaw ko sya sa kulungan, nagawa niya lang yun dahil sa takot syang mapatay ang mga magulang niya naintindihan ko rin naman sya agad, at inamin niya rin sakin na mahal niya daw ako dati pa pero ang sabi niya naka move on na daw sya dahil una palang wala na daw talaga syang pag asa sakin, which is true. Matagal pa bago makalaya si Melia kaya minsan dinadalaw dalaw ko sya doon at kinukwento sa kanya ang kalagayan ni Kirsten, sinisisi niya nga ang sarili niya dahil sa nagawa niya. Kung maibabalik niya daw sana ang nakaraan gagawin niya para hindi mangyari kay Kirsten ang sinasapit niya ngayon. Pinatawad ko naman sya at si Mommy sa nagawa nilang dalawa, hindi naman na maibabalik ang lahat kung magtatanik ako ng galit sa kanilang dalawa di ba? Kaya mas mabuti ng patawarin ko sila. Humiga na ako sa sofa at nag goodnight lang kay Kirsten. Nagising ako ng may tumatawag sa pangalan ko, kinabahan ako dahil baka mamaya minumulto ako, bali-balita pa naman na may nagpaparamdam daw na kaluluwa dito, hindi ako naniniwala doon dahil hindi pa ako nakakakita ng ganun sa tanang buhay ko.
"Reece."
Biglang tumayo ang balahibo ko dahil ang hina ng boses niya, ang dilim pa naman dito sa kwarto kaya di ko makita kung sino ang nagsalita na yun.
"Reece."
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil tinatawag niya ako, jusko po. Napatayo ako at lumapit kay Kirsten at umupo sa tabi niya, siguro naman wala ng tatawag sakin di ba?
"Reece."
Nalaglag ako sa kinauupuan ko at napahiga ako sa sahig, bakit ba may tumatawag sakin? bigla akong tumayo at binuksan ang ilaw at laking gulat ko sa nakita ko, namamalik mata lang ba ako or nananaginip?
"Reece."
"Kirsten!!!"
At agad akong lumapit sa kanya at nayakap ko sya, akala ko minumulto ako yun pala sya lang ang tumatawag sakin. Pinag hahalikan ko sya sa mukha.
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...