(Ito po si Kirsten, di gumana sa chapter 11 yung picture niya eh)
Kirsten's POV
"Kayo ba ni Reece?"
Tanong ni Cody, nandito kami ngayon sa library dahil may pinapa-search ang prof namin. Nagulat ako sa tanong niyang iyon, di ko expected na tatanungin niya yon. Tinitigan ko sya sa mata at tumango.
"I see, kaya pala ganun kainit ang dugo niya sakin kasi kayo palang dalawa."
"Seloso talaga yun."
"Edi wala na pala akong pag asa sayo"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, anong ibig niyang sabihin na wala na syang pag asa sakin? Tanga ka talaga Kirsten, malamang nag coconfess sya ng feeling niya sayo. Sabi ng isip ko.
"Ahmm.."
Di ko alam ang isasagot sa kanya sa mga oras na to.
"Ok lang, sa una pa lang wala naman na akong pag asa eh, tanggap ko naman na. Pero sana walang mag babago sating dalawa kahit nag confess ako ng feeling ko sayo."
Tama nga ang sinasabi ni Reece, may gusto nga sakin si Cody, bakit di ko kaagad na pansin yun? Manhid nga siguro ako.
"Alam mo Cody, madami pa namang iba dyan, gwapo ka, mabait, nasayo na ang lahat ng katangiang hinahanap ng babae. Kaya hindi ka mahihirapang makahanap ng babaeng mag mamahal sayo."
"E ang kaso yung babaeng mahal ko may mahal ng iba"
Di ako nakasagot sa sinabi niyang iyon.
"Ok lang, ano ka ba, makaka move on din ako. Basta walang mag babago sa pagkakaibigan natin hah?"
Sabay akbay niya sakin, tumango naman ako sa kanya at tinuloy na namin ang pag re-research.
========
"How's your school?"
Tanong ni Reece ng makapasok ako sa kotse niya, araw araw na niya akong sinusundo tuwing gabi.
"Ok lang, malapit na ang finals."
"By the way can i barrow your phone? Tatawagan ko lang si Knoche."
"Asan yung iyo?"
"Nakalimutan ko sa condo eh."
Kinuha ko ang phone ko sa bag at inabot sa kanya.
"WHAT THE FVCK IS THIS!"
Nagulat ako sa kanya ng sumigaw sya.
"Huh?"
"THIS!!"
At pinakita niya sakin ang phone ko at nakita ko ang homescreen ko na kaming dalawa ni Cody na naka wacky.
"Anong problema sa picture namin ni Cody?"
"What the? Seriously?! Dapat picture nating dalawa ang nandyan or picture ko ang nakalagay sa phone mo hindi yang lalaking yan!!"
"Wow ha, parang may picture tayong dalawa. At saka ang cute kaya namin dyang dalawa."
"Aarrgghh!!! Palitan mo yan!"
"Ikaw na lang manghihiram ng phone tapos ipapapalit mo sakin ang picture naming dalawa ni Cody."
Hinampas niya ang manebela kaya nagulat ako sa kinauupuan ko. Bat ba galit na galit sya, e picture lang naman yan.
"Fine! Ayaw mo! Pwes mag pipicture kami ni Sofia at yun ang ilalagay ko sa phone ko!"
Biglang nag init ang mukha ko ng banggitin niya ang pangalang Sofia, ayaw na ayaw kong naririnig ang pangalang yun dahil umiinit talaga ang dugo ko sa kanya. Kinuha ko ang phone ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/88579883-288-k381835.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...