Chapter 42

13.7K 275 41
                                    

Reece's POV

Naisugod na namin ngayon si Kirsten sa hospital, at sinugod na sya sa ER.

"Hanggang dito na lang po muna kayo."

"No!! Sasama ako sa loob kahit anong mangyari!! Gusto ko nasa tabi niya ako!!"

Sabi ko, wala na ring nagawa ang doctor dahil pinagpilitan ko talaga ang gusto ko. Sabay na kaming pumasok sa loob at nakita kong tinatanggal na ang damit ni Kirsten. Binigyan nila ako face mask at pinag suot ng green na damit, at nag umpisa na silang gamutin si Kirsten, hawak hawak ko ang kamay niya habang tinatanggal ang bala sa katawan niya. Nag dadasal ako sa diyos na sana mabuhay sya, pinapakinggan ko lang ang heart beat sa monitor habang tinitignan sya. Bakit ba laging nangyayari sayo to? Pwede naman ako di ba? Bakit ikaw pa? Ako ang nasasaktan pag nakikita kitang ganito. Marami pa tayong pangarap na aabutin di ba? Please wag mo muna akong iwan Kirsten, sabay pa nating papalakihin si Cole at mag papakasal pa tayo at mag kakaroon pa tayo ng maraming anak, please lang wag mo akong iwan. Umiiyak na ako habang sinasabi ko yun sa sarili ko, Maya maya lang natanggal na nila ang bala sa katawan ni Kirsten natuwa ako ng matanggal nila yun kaso biglang nanigas ako ng marinig ko ang heart beat sa monitor, nakita kong unti unti ng nagiging straight ang linya sa monitor.

"Please! No!!"

At kinuha na ng doctor ang pumping machine at nilgay yun sa dibdib ni Kirsten, pero walang response ganun padin straight line pa rin sya.

"Please baby, dont you can do it,"

Nakailang lagay na sila sa dibdib ni Kirsten pero wala pa ding pagbabago, kaya binitawan na ng doctor ang hawak niya. Parang ako lang ngayon ang tao dito at tila tunog lang ng machine ang naririnig ko, hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako.

"Im sorry sir, ginawa na namin ang lahat"

Hindi ako makapag salita dahil ang babaeng mahal ko ay wala na, nakatulala lang ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala na wala na sya, biglang tumulo ang mga luha ko ng hindi na mamalayan. Hindi ko na pansin na nandito na ang mama niya at umiiyak dahil sa nakita niya, na ang anak niya ay wala ng buhay.

"Kirsten!!! Wag mo muna kaming iwan anak parang awa mo na!!!!"

Iyak sya ng iyak at nakita ko si Cody sa tabi ko umiiyak din, at pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko.

"She's gone"

Sabi ko sa kanya habang umiiyak.

"She's gone!!!!"

Sigaw ko, hinawakan ko ang kamay niya at pinatong ko ang ulo ko habang umiiyak. Pumasok na ang ibang doctor para kunin ang katawan ni Kirsten.

"Bigyan niyo muna ako ng ilang sandali please."

At umalis na sila at ako na lang ang naiwan.

"Alam mo ang daya mo, sabi mo walang iwanan pero ikaw pala tong unang nang iwan. Ano pang silbi ng buhay ko kung wala ka na? Paano na titibok ang puso ko? Ikaw lang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay eh, ang daya talaga ng panahon no? Parang dati lang ang dami pa nating pangarap pero ngayon naglaho na lang na parang bula. Sino ng mag aalaga samin ni Cole pag wala ka na? Ito lang ang masasabi ko sayo, i love you to the moon and back, wala na akong ibang babaeng mamahalin kundi ikaw lang. I love you soooo much baby"

At binitawan ko na ang kamay niya, hinalikan ko pa sya sa labi ba ako tumayo, bubuksan ko palang ang pinto ng marinig ko ang monitor bg heartbeat niya ay tumunog at nakita ko ang dating straightline ay gumalaw pa taas baba. Sumigaw ako sa kanila na buhau si Kirsten at nagsipasukan ang mga doctor at sila Daddy.

"She's alive!"

"Its a miracle."

Sabi ng doctor, agad kaming lumapit kay Kirsten at hinawakan ko kaagad ang kamay niya. Sobrang saya ko ngayon dahil akala ko mawawala na talaga sya, sobra ang pasasalamat ko sa panginoon dahil dininig niya ang dasal ko. Nilipat na si Kirsten sa private room at kami naman ay naka upo sa labas. Nagkausap na pala si Cody at ang Mama ni Kirsten, hindi niya naman pala talaga ginusto yung ginawa niyang pambubugbog kay Kirsten noon. Nadala lang daw sya ng galit kaya niya nagawa iyon, nalaman ko na lang kay Daddy na patay na si Mommy dahil maraming tama daw ng baril sa katawan si mommy, hindi ako nakaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa niya kay Kirsten. Pero hindi ako galit sa kanya dahil kahit papano naging ina ko sya nadala lang sya ng inggit kaya nagawa niya yun. Naka kulong na daw si Melia at ang isa pang kasamahan nilang lalaki sabi ni Cody sakin. Pumasok na kami sa room na pinag dalhan kay Kirsten at nakita na namin sya doon na maayos na, lumapit kami sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Pinauubaya ko na sya sayo, sana wag mo na sya ulit saktan kung hindi ako na ang bubugbog sayo, hindi pa nga ako nakakahingi ng tawad sa kanya eh, yun na rin ang isa ko pang dahilan kaya ako umuwi dito. Balitaan mo ako pag ok na sya hah? Masaya ako na naging parte sya ng buhay ko, minsan dalaw kayo sa Texas dahil miss na nila Mama si Cole."

"Sige, salamat sayo at sa pamilya mo dahil inalagaan mo ang mag ina ko at hindi mo pinabayaan."

At nag shake hands kaming dalawa.

"Best man ka sa kasal namin."

"Edi ako pala ang papakasalan niya hindi ikaw, best man ako groom ka lang"

Sabay tawa niya.

"Baliw."

At tuluyan na nga syang umalis, sila Daddy na lang ang naiwan dito at ako.

"Umuwi ka muna anak at mag bihis, ang dumi mo na oh."

Sabi ni Daddy, tinignan ko ang itsura ko, ang dumi ko nga dahil sa namuong dugo. Tumango ako sa kanila at tinignan ko muna si Kirsten bago umalis. Masaya ako dahil nabuhay sya, ang kaso hindi pa naman alam kung kailan sya magigising, pero ang importante ay buhay sya at hindi niya kami iniwan.

To be continued...

Anong sa tingin niyo guys? Akala niyo namatay talaga si Kirsten no? Hahahaha panigurado kinabahan kayo habang binabasa ang chapter na to lol, malapit ng matapos tong story ko na to. Salamat sa matiyagang pag hihintay sa mga update ko at nabibitin kayo sa mga ginagawa kong chapter :) enjoy reading guys!!! Love you bunches!!!

I'm His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon