Kristen's POV
"Akala ko ba pupunta sila Mama dito? Asan sila?"
"May pinuntahan lang daw sila."
Ngayong araw na kasi ang alis ko dito sa hospital, tinulungan na ako ni Reece na mag ayos ng ibang gamit ko, inalalayan niya ako habang nag lalakad sa hallway. Excited pa naman akong makita sila Mama at ang anak kong si Cole, akala ko pa naman pupunta sila dito ngayon pero hindi naman pala. Kaya dalawa lang kami ni Reece ang uuwi sa bahay, pinasok na niya ang bag sa trunk at pumasok na rin kami sabay sa loob ng sasakyan.
"Nasa bahay ba sila Cole ngayon?"
"Hindi ko alam eh, nag text sakin si Daddy na may pupuntahan daw sila."
Ganun? Kung sabagay makikita ko rin naman sila sa bahay mamaya pag uwi nila kung saan man sila nag punta. Tahimik lang kami habang nagmamaneho, sariwa pa rin sa isip ko ang nangyari sakin, feeling ko parang kahapon lang nangyari yun, nalunggkot ako ng malaman kong namatay ang mama ni Reece. Hindi ako nagtanim ng galit sa kanya dahil alam kong mama sya ng lalaking mahal ko, kahit anong ginawa niya sakin pinapatawad ko na sya, sino ba ako para hindi magpatawad diba? Diyos nga nag papatawad ako pa kaya na tao lang. Gustong gusto ko ngang puntahan si Melia para mag thank you, dahil sa lahat ng ginawa niya sakin nagawa niya pa din akong tulungan. Hindi ko pa nakakausap si Cody ng personal, gusto ko syang kausapin at ang mga parents niya para magpasalamat sa ginawa nilang pag tulong sakin at kay Cole. Pagkaya ko na ang sarili ko pupunta ako ng Texas at mag papasalamat sa kanila.
"Ang lalim ng iniisip mo, may problema ba?"
"Wala, naalala ko lang sila Cody at ang pamilya niya, gusto ko silang pasalamatan sa lahat ng ginawa nila sakin."
Ngumiti sya at hinawakan niya ang kamay ko.
"Wag kang mag alala pupunta tayo ng Texas pag malakas na ang katawan mo."
Tumango ako at di ko namalayan nasa bahay napala kami, pinagbuksan na kami ng gate ng bumusina si Reece at pag baba ko ng sasakyan tinignan ko ang paligid, akala ko hindi ko na to makikitang lugar na to eh, akala ko mamamatay na ako nung dinukot ako.
"Lets go."
Nawala ang pag mumuni muni ko ng tawagin ako ni Reece, kinuha niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa pinto pag bukas namin ng pinto biglang may nag paputok sa harapan ko.
"Surprise!!!!!!!"
Nagpaputok sila ng maraming confetti at nakita ko sila mama at Cole pati na rin ang mga kaibigan ni Reece. Agad kong niyakap si Cole ng mahigpit, feeling ko ang tagal tagal kong hindi nakita si Cole, niyakap ko sya ng mahigpit, akala ko hindi ko na sya ulit mayayakap eh. Pinag hahalikan ko sya sa mukha.
"I missed you so much mommy."
"I miss you too baby."
At niyakap ko sya ulit, nakita ko si Mama na umiiyak kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Ma wag ka ng umiyak dyan."
"Di kasi ako makapaniwala na gising ka na, akala ko iiwan mo na ako anak."
Sabi niya sabay yakap at umiyak.
"Alam mo ma, nakita ko si Papa, alam mo ba ang sinabi niya sakin habang comatose ako? Ang sabi niya hindi ko pa daw araw dahil marami pa daw akong kailangan gawin sa mundo, gusto niyang makita ako na maging masaya. At lagi lang daw syang nasa tabi nating dalawa Ma at nakasubaybay, at ang huling sinabi niya sakin mahal na mahal ka daw niya kahit anong mangyari."
Sabi ko sa kanya ng pabulong, umiyak sya sa huling sinabi ko, totoong nakita ko ang papa ko ng mga oras na yun, sya ang nag sabi na hindi pa akong pwedeng mamatay, si papa ang tumulong sakin na makabalik ulit sa katawan ko, hindi ko yun sinasabi kay Reece dahil baka hindi lang ako niya paniwalaan.
![](https://img.wattpad.com/cover/88579883-288-k381835.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...