Chapter 30

15.3K 259 13
                                    

Kirsten's POV

Ilang araw din hindi nag paramdam si Reece samin, di ko alam kung naka uwi na ba sya ng pilipinas or umiiwas lang sya sakin. Nasakin pa ang panyong naiwan niya, what if puntahan ko sya ngayon sa hotel na tinutuluyan niya? Ang sabihin mo gusto mo lang syang makita. Sabi ng isip ko, ibabalik ko lang naman tong panyo eh, masama ba? Hinihintay kong mag 5 para maka alis na ako sa office at puntahan sya sa hotel na tinutuluyan niya. Nang pumatak na ng 5:00 pm dali dali kong inayos ang mga gamit ko at lumabas na ng office, nag paalam lang ako sa mga stuff ko at umalis na. Nag biyahe na ako papuntang Downtown Dallas at ng nasa tapat na ako ng The Adolphus Hotel kung saan nag iistay si Reece di ko alam kung tutuloy ba ako or hindi. Bakit ba ako kinakabahan? E ibabalik ko lang naman tong panyo niya at kakamustahin ko lang sya, i mean kakausapin ko sya dahil hinahanap sya ni Cole, bakit hindi na daw sya pumupunta samin. Tama tama yun nga ang purpose ko, bumaba na ako ng sasakyan at tinanong sa receptionist kung may naka check in na 'Reece Behlendorf' meron naman daw at tinuro sakin kung anong floor. Nag 'thank you' ako at sumakay na sa elevator, nang nasa floor na ako ni Reece pinagpapawisan ang kamay ko, para akong teenager na magbibigay ng love letter sa crush ko eh, di ko ba alam kung bakit ako nag kakaganito. Nang nasa tapat na ako ng pinto nag dadalawang isip ako kung mag dodoor bell ako or aalis na lang, wala namang masama kung mangangamusta lang at ibabalik ang panyo di ba? Huminga muna ako ng malalim bago ako nag doorbell, naka tatlong doorbell ako bago bumukas ang pinto at nakita kong naka shirtless sya at boxer lang, di ko alam kung kagigising niya lang or ano eh, nagulat sya ng makita ko di niya siguro expected na darating ako.

"Ahm.. Naistobo ba...."

Napahinto ako sa sasabihin ko dahil di ako makapaniwala sa nakita ko ngayon, anong ginagawa ni Melia sa dito at naka tapis lang sya ng kumot. Nag pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa, feeling ko tinusok ang puso ko ng malalaking kutsilyo. Parang namanhid ang katawan ko sa nakikita ko.

"Naistobo ko nga kayo, ito pala ang panyo, sorry."

At tumalikod na ako, ayaw kong umiyak sa harapan niya pero pinigilan pa ako ni Reece at naitulak ko sya ng malakas at tumakbo na ako sa elevator, pagsara ng elevator doon na tumulo ang mga luha ko. Mas masakit pala tong nararamdaman ko kumpara  nung una na malaman kong magkakaanak sila ni Laura. Ang di ko lang matanggap ay bakit si Melia pa? Pinsan pa talaga ni Cody ah. Pagbukas na pagbukas ng elevator tumakbo na ako at pumasok sa kotse. Naisandal ko ang ulo ko sa manibela at umiyak ng umiyak. Bakit nasasaktan pa rin ako ng ganito? Akala ko ba naka move on na ako sa kanya pero bakit ganito? Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Ibig sabihin ba nito eh mahal ko pa sya? Kasi kung hindi ko na sya mahal hindi na ako masasaktan ng ganito eh. Dapat pala hindi na lang ako pumunta dito para hindi ko nalaman na may nangyayari na pala kay Melia at Reece, akala ko pa naman tototohanin ni Reece ang sinabi niya na ipaglalaban niya kami ni Cole para magkabuo ulit ang pamilya namin pero hindi pala. Kasinungalingan lang pala ang lahat ng sinasabi niya, pinaasa niya ako sa lahat ng sinabi niya na mahal niya pa rin ako. Ako naman si tanga nag pauto naman sa mga sinasabi niya, ilang minuto pa ang iniyak ko at pinaandar ko na ang sasakyan. Simula ngayon kakalimutan ko na talaga sya, sinungaling sya, manloloko. Di ko mapigilang umiyak habang nag mamaneho dahil hindi nawawala sa isip ko ang itsura ni Melia at Reece, di ko maimagine nag si-s*x silang dalawa.

"Bbbbbbbeeeeeeeeeppppppppp!!!!!!"

At biglang nag black out ang paningin ko.

•••••••••••••••••••

         Reece's POV

Nakahiga ako ngayon sa kama habang naka tingin sa kisame, di kasi mawala sa isip ko ang reaction ni Kirsten ng makita niya kami ni Melia, di ko naman kasi expected na darating sya eh. Sinusubukan ko lang naman syang kalimutan, nasaktan ako nung isang araw na ikakasal na pala sya sa february. Oo alam kong engaged sila pero di ko alam na 3 months ikakasal na silang dalawa ni Cody, gumuho ang mundo ko ng malaman yung balita na yun, uminom ako ng uminom ng alak hanggang sa mawala ang sakit ng puso ko. Pero pandalian lang pala yun dahil pag gigising na ako bumabalik ulit ang sakit na nararamdaman ko. Di ko talaga sya kayang kalimuta kahit anong gawin ko sya at sya pa rin talaga. Hanggang sa isang gabi nga nag kita kami ni Melias sa isang bar at di ko alam na may nangyari saming dalawa, pag gising ko nga kanina katabi ko na sya sa kama ko. Kahit gusto kong magpaliwanag kay Kirsten kanina di ko nagawa dahil tinulak niya ako at tumakbo, huli na ng mahabol ko sya dahil naka alis na sya. Pinaalis ko na rin si Melia pag balik ko, umalis din naman sya ng hotel ng tahimik. At ngayon mag isa na lang ako di ko alam kung anong ipapaliwanag ko kay Kirsten bukas. Nag iisip ako ng pwedeng sabihin sa kanya ng biglang nag ring ang phone ko, tinignan ko ang oras 9:00 pm na ng gabi, sinong tatawag naman sakin ng ganitong oras? Ng makita ko ang phone ko unknown number ang tumatawag, di naman philippine number ang naka register kundi U.S number, walang nakaka alam ng number ko kundi si Kirsten lang, baka sya to nag bago na naman ng number. Sinagot ko ang tawag.

I'm His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon