(Ito po si Cole para may idea kayo kung anong itsura niya.)
Kirsten's POV
"Sigurado ka na ba dyan?"
Tanong ni Cody sakin habang nag bibihis ako.
"Oo, sure na ako, mas mabuti sigurong sabihin ko na sa kanya ng maaga."
Ngayong araw na kasi namin ipapakilala si Cole kay Reece, magkikita na lang kami sa Galleria Dallas, medyo kinakabahan ako ng konti dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Cole, pinuntahan ko na si Cole sa kwarto niya at binihisan.
"Mommy where are we going?"
"Where going to mall baby."
"Yay!!! Really!! Heyey!! Its family day!!"
Sabi niya at nag tatatalon sa tuwa, ng matapos ko ng bihisan si Cole tinawag ko na si Cody at umalis na kaming tatlo, nag park lang kami sa tapat ng mall at sabay na kaming bumaba ng sasakyan.
"Tawagan mo na lang ako kung ok na ah."
Sabi ni Cody ng nasa loob na kami ng mall, mag iikot ikot lang sya dito habang hinihintay kami, ayaw niyang sumama samin dahil masyadong personal na daw yun. Nag lakad sya at dumiretcho na.
"Mommy, where daddy's go?"
"He's buying something."
Tumango lang sya at pumunta na kami sa Grand Lux Cafe kung saan kami magkikita ni Reece, pag pasok ko hinanap ko sya, nakita ko rin naman agad sya. Hinigpitan ko ang hawak ko kay Cole at naglakad na papunta sa kanya, naka ngiti sya samin habang papalapit kami sa kanya, kinakabahan ako ngayon.
"Hi."
Sabi niya ng makalapit kami sa kanya.
"Hey Mr. Its you again."
Sabi ni Cole, umupo na kaming dalawa.
"Anong gusto niyo?"
"Coffee lang, kay Cole kahit cake at juice lang."
Sabi ko, tinawag na niya ang waiter at sinabi na niya ang orders namin, bakit ba ako kinakabahan ng ganito, sasabihin ko lang naman ang totoo kay Cole eh, pagkatapos nun tapos na.
"Mr. What is your name?"
Tanong ni Cole, kahit kailan ang daldal ng batang ito.
"Im Reece, and you must be Cole right?"
Tumango sya habang naka ngiti. Dumating din agad ang order namin at kumain, ipinagdadasal ko na sana bumagal ang oras, habang tumatagal lalo ako kinakabahan dahil wala akong maisip na sasabihin kay Cole at kung paano ko ipapaliwanag to.
"Mom, where's Daddy? He isn't coming back yet."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Reece, ibig sabihin nun kailangan ko ng ipakilala sya kay Reece, alam kong naiinip na rin sya.
"Your daddy is already here."
Sabi ko habang kinakabahan.
"Where?"
At inikot ikot niya ang paningin niya.
"Him."
Nanginginig pa ang kamay ko ng itinuro ko si Reece sa kanya.
"Mom, she's your friend, he's not my Daddy."
Nakita kong parang nasaktan sya sa narinig niya, huminga ako ng malalim at iniharap ko sya sakin.
"Anak, the truth is, his your real dad not Cody."
Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"I don't get it mom."
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...