Chapter 6

34.9K 411 15
                                    

         Kirsten's POV

"Hi Kirsten!"

Sabi ni Melia ng maka-upo ako sa sits ko.

"Hello Melia, Hi Cody"

Ngumiti sya at tumango, ang cute niya talagang ngumiti.

"Kamusta ang work niyo?"

Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ok naman, nakakapagod pero ayos naman, ikaw?"

"Ok lang din, tinapos ko na ang gawaing bahay bago ako umalis, baka mamaya gabi na tayo maka uwi neto."

"Bakit ayaw mong mag apply samin? Tumatanggap samin ng part time job."

Tanong ni Cody sakin.

"Salamat na lang Cody, wala naman akong experience sa pagiging crew eh."

"Ok lang, may training naman eh."

"Oo nga, wag mong sayangin ang beauty mo sa pagiging katulong mo."

Natawa ako kay Melia.

"Grabe ka naman, wag kang mag alala pag nakatapos ako dito aalis na ako sa pag kakatulong."

Tumawa lang silang dalawa at maya maya, dumating na ang prof namin. Tahimik lang kaming nakikinig sa kanya, maya maya at uwian na namin, pag tingin ko sa relo ko 10:30 na ng gabi. Mukhang napasarap ang pag tuturo ni Sir.

"Kain muna tayo, ginutom ako sa lesson natin ngayon."

Sabi ni Melia.

"Oo ba, ikaw Cody?"

"Oo naman, saan niyo bang gusto? Treat ko."

"Wow pinsan, first time mo atang mang libre. Dahil ba yan kay Kirsten hah?"

Sabay siko ni Melia kay Cody.

"Baliw, si Kirsten na lang ang ililibre."

"Uy! Joke lang yun hindi ka na mabiro."

Natatawa ako sa mag pinsan na to, napa close naman nila sa isa't isa.

"Saan gusto mong kumain Kirsten?"

Tanong ni Cody sakin.

"Sa Mc Donalds na lang."

"Ok Mc Do"

At kinuha na namin isa isa ang bag namin at lumabas na kami ng room. Ang dami kong tawa sa dalawang to habang nag lalakad.

"Alam mo ba Kirsten, nung bata pa si Cody sinuot niya ang panty ko."

Bigla akong natawa sa sinabi ni Melia, bigla naman syang binatukan ni Cody pero mahina lang.

"Wag kang maniwala dyan, ang totoo sya talaga ang nag suot ng brief ko nung bata pa kami."

Tawa lang ako ng tawa habang nag bibiruan silang dalawa.

"Kirsten!!"

Napahinto kami sa paglalakad ng may tumawag sakin, pag tingin ko si Reece naka tayo sa kotse niya. Grabe tinotoo niya nga ang sinabi niya kanina. Lumapit sya samin at nag bago ang expression niya ng makita niya sila Melia at Cody.

"Boyfriend mo?"

Tanong ni Melia sakin pero nakatitig kay Reece.

"Huh? Hindi no, amo ko yan si Reece."

"Talaga? Hi! Ako nga pala si Melia."

Ngumiti lang si Reece sa kanya, nakita kong nag blush si Melia ng ngitian sya ni Reece. Biglang nakaramdam ako ng konting selos, SELOS?! Ako? Nag seselos? Kailan ko pa naramdaman yang salita na yan? Alam ko wala akong ganyang pakiramdam. Pero bakit ngayon parang nararamdaman ko na sya.

I'm His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon