Guys check niyo na lang sa youtube channel ko ang slideshow nila Reece at Kirsten, walang sound kasi pag in-open mo ang video nila. Ito search niyo sa youtube ang slideshow nila
'Not Broken Yet (Reece and Kirsten Slideshow)'
Yan po ang title sa youtube :)Kirsten's POV
"Bukas na pala ang uwi ni Reece."
Sabi ni Cody habang naka higa kami ngayon sa kama.
"Alam ko, sinabi na niya sakin kanina, umiyak nga si Cole ng malaman niyang aalis si Reece."
Sabi ko, ako naman hindi ko alam ang mararamdaman ko kung malulungkot ba ako or masaya nang malaman kong aalis na sya bukas.
"Matulog na nga lang tayo."
Sabi ni Cody, pinatay na niya ang lamp shade at humiga.
"Good night Kirsten."
"Night."
Anong oras na at di pa rin ako dinadalaw ng antok, tumayo ako sa kama para uminom ng gatas, baka makatulong sakin yun kahit papaano. Kinuha ko ang isang karton na fresh milk at sinalin yun sa baso, umupo muna ako sa upuan at kinuha ang phone ko. Hindi ko na mamalayan nag tatype na pala ako sa number ni Reece, ano namang sasabihin ko sa kanya? Baka mamaya hindi ako replyan nun or baka tulog na yun. Hindi naman sigurong masamang mag text na 'Have a safe flight' di ba? Nanlaki ang mata ko ng maisend ko yun,
"No no no.."
Huli na ang lahat dahil nag send na ang text ko sa kanya. Baka isipin nun nag papapansin ako sa kanya, maya maya nag vibrate ang phone ko at nakita kong nag reply si Reece.
"Thank you, bat gising ka pa?"
Yan ang text niya, nireplyan ko naman sya at nag text back din agad sya, maya maya tumatawag si Reece, sinagot ko naman ang tawag niya.
"Di rin ako makatulog eh"
Tinignan ko ang oras sa wallclock 1:00 am pa lang ng madaling araw.
"Anong ginagawa mo ngayon dyan?"
Tanong niya sakin.
"Nasa kusina ako umiinom ng gatas para dalawin ako ng antok, ikaw? Bat di ka rin makatulog?"
Tanong ko sa kanya.
"Syempre wala ka sa tabi ko kaya di ako makatulog."
Napa ngiti ako sa sinabi niya.
"Baliw, edi tawagan mo si Melia para makatulog ka na."
Biro ko, pero nasaktan ako sa sinabi kong yun. May pagka baliw din ako minsan eh noh.
"Gusto ko ikaw."
Sabi niya.
"Hay naku ewan ko sayo, oh sige na. Baka maaga pa ang flight mo matulog ka na. Bye."
"Bye, i love you."
Bigla kong napatay ang tawag dahil sa sinabi niya, bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin niya yun. Hinawakan ko ang dibdib ko, ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Ayaw kong marinig ang salitang yun dahil sa tuwing sinasabi niya yun unti unting bumabalik ang feelings ko sa kanya kahit alam kong bawal na dahil ikakasal na ako. Tinapos ko na ang pag inom ng gatas at umakyat na ako sa kwarto at humiga, nag eecho ang boses ni Reece sa tenga ko. Tinakpan ko ng unan ang dalawang tenga ko pero naririnig ko pa din sya, bwisit!! Relax Kirsten, relax. Nirelax ko ang sarili ko at nag isip ako ng iba at maya maya dinadalaw na ako ng antok.
•••••••••••••••••••••••
Ilang linggo hindi nag paramdam si Reece samin, tinatanong ni Cole kung kailan babalik ang daddy niya pero sinasabi ko hindi ko alam dahil hindi sya kumokontak sakin. Hindi ko alam kung na mimiss ko sya or what.
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...