Chapter 31

15.5K 268 14
                                    

(Guys gumawa po ako ng slideshow nila Reece at Kirsten, please check it out)

          Kirsten's POV

Nagising ako sa sinag ng araw at pagdilat ko ng mata ko iba ang surroundings ng mga kisame, bakit puti? Nasa langit na ba ako? Ginalaw ko ang katawan ko pero biglang sumakit ang mga paa ko at ulo ng makita ko ang paa ko naka benda ang kanang binti, inaalala ko kung anong nangyari sakin, biglang bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Cody at Cole.

"Mommy?! Mommyyy!!! Finally!! You're awake!!"

At tumakbo si Cole papalapit sakin kasunod nun si Cody. Hinawakan nilang pareho ang kamay ko at pinag hahalikan.

"Anong nangyari sakin? Bakit ako nandito?"

"Seryoso? Hindi mo alam ang nangyari sayo nung nakaraan?"

Nakaraan? Anong araw na ba ngayon?

"Anong nakaraan? E kahapon lang pumunta ak.."

Di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang bumalik ang sakit ng naramdaman ko.

"Wednesday na ngayon Kirsten, 2 days kang walang malay."

Nagulat ako sa sinabi niya, 2 days akong comatose?

"Wala ka talagang natandaan kahit isa?"

Sinubukan kong isipin ng mabuti kung paano nangyari sakin to.

"Tanda ko na, may bumusina ng malakas sakin hindi ko alam kung saan galing, mabilis kasi ang pagpapatakbo ko nun at bigla na lang akong nawalan ng malay."

At nakita ko ang pinsan mo at Reece sa hotel na magkasama, gusto ko sanang idagdag yun pero tinikom ko ang bibig ko, ayaw ko lang ng gulo. Wait? Alam kaya ni Reece na na-aksidente ako? Pumunta kaya sya dito habang naka himlay ako sa higaan na to? Napalingon kami sa pinto ng bumukas iyon, pagtingin ko si Melia na may dalang pagkain, di ko alam ang nararamdaman ko sa kanya, kung galit ba ako or hindi eh.

"Kirsten!! OMG!! Finally!!"

At lumapit sya sakin at niyakap niya ako, napainda ako sa sakit ng yakapin niya ako.

"Auntie Mellie!! Let her go!! She's been hurt!"

Sigaw ni Cole sa kanya.

"Oh, sorry sorry."

Sabi ni Melia at kumalas na sa pagkakayakap sakin.

"How are you feeling?"

Sabi niya.

"Im fine."

Kung kinakailangan kong makipag plastikan sa kanya gagawin ko para lang hindi niya mahalatang may galit ako sa kanya.

"Bat di ka kasi nag iingat, yan tuloy."

Kayong dalawa ni Reece ang may kasalanan kaya ako nabangga, pero syempre hindi ko sinisisi silang dalawa noh. Aksidente lang talaga ang lahat kaya wala dapat akong sisihin sa nangyari.

"Nangyari na eh, sa susunod mag iingat na talaga ako."

"You should mom."

Sabi ni Cole, ngumiti ako sa kanya at ginulo ang buhok niya. Kinakausap ako ni Melia pero hindi na ako nakikipag usap sa kanya tulad ng dati, bakit ba ako nagagalit kay Melia? Kung tutuusin wala naman dapat akong ikagalit sa kanya eh, ano naman kung nakita ko silang ganun? Wala naman na kami ni Reece at pwede syang magdala ng maraming babae kahit kailan niya gusto dahil wala naman na kami. Pero bakit ganun? Nasasaktan pa rin ako? Kahit anong gawin ko nasasaktan talaga ako kahit hindi naman na pwede. Maya maya may pumasok na nurse at doctor at chineck ako, sinabi nilang pwede na akong lumabas mamaya kaya natuwa ako. Sa wakas makakaalis na rin ako sa hospital na to. Habang nag liligpit kukwentuhan kami nila Cody biglang bumukas ang pinto at nagulat ako sa pumasok, hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon ng makita sya, kung galit ba or tuwa eh. Bigla syang ngumiti at lumapit sakin.

I'm His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon