Chapter 14

20.7K 367 22
                                    

             Kirsten's POV

"Malapit na ang birthday mo anong plano mo?"

Tanong ni Reece habang nanunuod kami ng netflix.

"Ang makinig sa plano mo."

Binatukan niya ako ng mahina.

"Ano nga?"

"Wala, di na uso sakin ang mag celebrate ng birthday. Malaki na ako eh"

Di na lang sya umimik, at nanuod na lang kami.

==========

Habang nag luluto ako ng almusal namin ni Reece biglang nag vibrate ang phone ko, akala ko si Cody kasi konti lang naman ang laman ng mga contacts ko eh, pero pag tingin ko unknown number, hindi ko sana babasahin kaso na curious ako kung sino kaya in-open ko ang inbox ko. At ito ang naka sulat.

"This is Reece mom, can we talk? Just the two of us. Meet me in stabucks."

Paano niya nakuha ang number  ko? At anong pag uusapan namin? Di ako makapag concentrate sa pag luluto dahil iniisip ko kung about saan ang pag uusapan namin. Kinabahan naman ako ng maisip kong susuhulan niya ako ng malaking pera at sasabihing hiwalayan si Reece. Hindi! Hindi ako papayag sa gusto niya, kung inaakala niyang madadaan ako sa ganun, nag kakamali sya. Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Reece mula sa likod, di ko namalayan na gising na pala sya.

"Ang lalim ng iniiisip mo ah."

Sabi niya sabay halik sa balikat ko.

"Wala, iniisip ko lang kung anong naging resulta ng exams ko."

"Akala ko naman kung ano eh, yun lang naman pala, wag mong isipin yun, alam naman nating matalino ka kaya sisiw lang sayo yung mga exams na yun."

Sinabunutan ko sya ng mahina.

"Baliw."

At hinanda ko na ang pagkain naming dalawa.

"Picture nga muna tayong dalawa"

Sabi ni Reece ng makabalik ako sa mesa.

"Sure."

At tumayo kaming dalawa, nag pose ako ng naka kiss sa kanya at sya nakatingin sa camera.

"Isa pa"

Nasa likod ko naman sya at naka kiss malapit sa lips ko at ako naman naka nguso.

"Patingin nga."

Sabi ko kay Reece pinakita niya naman sakin ang picture naming dalawa.

"Ang cute natin dito!!"

At pinakita ko sa kanya yung una naming kuha.

"At ipa! Bluetooth mo sakin at gagawin kong wallpaper at homecreen ko dali!"

Ginawa naman niya at ng mareceive ko na ang mga pictures, ginawa ko ng homescreen yung pangalawang shots namin at yung wallpaper naman eh yung una.

(Ps: ito po ang picture nilang dalawa ni Reece)

(Ps: ito po ang picture nilang dalawa ni Reece)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I'm His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon