Chapter 8 -- Teran

144 13 5
                                        

Chapter 8 -- Teran

Meaganne's  POV

Ang tagal ni Athalie. nauna na akong umuwi kasi baka nagrereminisce nanaman si girlalou. yan tuloy nanggugulo si Terrence dito! ang ingay ingay! akala niya bahay niya eh no! -___-

"Oy T2!"

"Anong T2?"

"Toothpick 2!" Aba aba! wagas pang makangisi!

"Ano ba! pumunta ka ba rito para manira ng araw?!" napupuno na ako, kanina pa to eh!

"Do you want to know why?" ngumisi pa ang loko.

"Ano?!"

"It's been 2 years if i didn't ask you this, i'll die soon enough." puro naman kabalbalan ang pinagsasabi nitong tsonggo na to.

"Umuwi ka na nga! sipain kita dyan eh!" sigaw ko.

"Wait lang!" object niya.

"Wait wait? uwi na!" tulak ko sa kanya. sinarado ko yung pinto. sumilip ako sa bintana. umuulan pala?! nakita ko si Terrence nakatayo na nakatingin sa akin.

"Pumunta ako rito para sayo!" sigaw niya.

"Pumasok ka dito! umuulan!"

"Palalabasin mo lang ulit ako eh!"

"Pumasok na sabi eh!"

"May tanong lang ako!"

"Pumasok!!!!!"

"May tanong nga ako!!!"

"ANO?!?!"

"PWEDE BANG MANLIGAW?!?" nabingi ata ako.

"A-ano s-sinabi m-mo?"! sigaw ko. ayokong maniwala sa narinig ko. dahil sa mga sigaw namin nagsilabasan ang mga tao sa mga kabahayan nila, tumila ang ulan pero madilim pa rin.

"SABI KO PWEDE BANG MANLIGAW MEAGANNE BETH TARAMANO?!?" natulala lang ako. nagsipalakpakan naman ang mga tao. 

"A-ano bang pinagsasabi m-mo?!" b-baliw ka ata eh!"

"Oo baliw ako! BALIW SAYO!" nag"ayie"  naman ang mga tao. bwiset. feeling ko matutunaw ako dito sa hiya. wala akong balak magpatirp dito sa kumag na ito.

"Hindi nakakatuwa kaya umakyat ka na rito at manahimik!!"

"Ayoko nga!!!"

"Bakit ba?!"

Love Connections [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon