T____T Ang tagal ko nang di nakakapagupdate dito ah T_____T Mianhaeyo!
~
Chapter 28 -- Agent 1 and 2
Athalie's POV
Nandito kaming lahat sa canteen. Bakit? Break eh. Kumakain lang ako dito ng chocolate ko habang yung iba BAD MOOD. Ewan ko sa mga yan! Akala mo may red day sila! May mga kanya kanya ata silang mga problema base sa mga naririnig ko.
"Saan nanaman ba si Miego?!" Iritableng tanong ni Shime. Nakacross ang mga braso niya sa dibdib niya. Sign yun na galit siya.
"Nasa Music room daw siya ah. Practice nanaman ata." Sagot ni Chrysa sa kanya. Napairap naman sa ere si Shime. Ewan ko ba. Ngayon lang siya iritang irita.
"Music room?! Nanaman?! Di ba siya nagsasawa sa walang kwentang room na yon?! Nakakabwiset nga talaga naman oh! Sabihin niya kung ipagpalit niya na ako sa Music room na yan! Shit this life!" Lumayas siya sa harap namin na gulat ang ekspresyon. Ngayon lang siya nagreklamo ng ganito. Pag nagtatanong naman siya dati kung saan si Miego at yun ang sagot namin eh ang sagot niya naman sa amin. "Ah! Proud talaga ako sa Miegie ko na yan! Magiging sikat na musician talaga yan balang araw! Sisikat ang boyfriend ko! Hihihihi!" Pero ngayon. Ano raw? Nakakabwiset daw? Nagiba ang ihip ng hangin.
"Ano ba naman tong si Sab! Binababaan ako!" Napalingon naman ako sa inis na si Jupiter.
"Baka naman may klase pa?" Tanong ni Meaganne sa kanya.
"Klase? may program sila ngayon and she's not used to hung up in my calls. Nagpapaalam muna siya." Inis na sabi ni Jupiter.
"Piter, baka masakal si Sab nyan." Paalala ni Meaganne sa kanya.
"Uhh.. I.. Nasanay lang kasi ako. Ah ewan!" Umalis si Jupiter na bakas pa rin ang inis sa mukha niya.
Anong nangyayari kay Shime at Jupiter? Nakakapanibago sila. Bigla namang may dumating sa table namin. Si Yugo at ang kasama niyang dalawang linta. At alam ko na ang susunod na mangyayari Hahahaha.
"Sinong may sabi sayo na dalhin mo yang dalawang clown dito?!" Pagtataray ni Chrysa habang inakbayan siya ni Angelo. Angelo is courting Chrysa at kahapon lang din namin nalaman. Ewan ko ba dito sa mga to! Mapaglihim!
"Wag kang magalala! Aalis din naman kami!" Asar na sinabi ni Yugo. Ayaw niya kasi yung side ni Chrysa na ganyan. Bigla namang may tumayo sa tabi ko.
"Uh Meg, Ibabalik ko nga pala yung hiniram kong libro sayo. Dyan ka lang pupuntahan ko ang locker ko." Walang ganang sabi ni Liz. Napapansin ko rin na patamlay ng patamlay si Liz. Nagiging walang buhay na siya lagi. Lagi na lang malungkot. Minsan, di mo pa siya makikita agad sa school. Di mo alam kung nasaan pumupunta basta pagkabalik niya akala mo galing sa iyak. Hindi porket na nakatunganga lang ako dito eh wala akong ginagawa. Obserbsyon ang ginagawa ko. Kilala ko na silang lahat kaya madali na lang silang basahin.
"Sasama na kami ni Terrence sayo." Masiglang sinabi ni Meaganne kay Liz. Hinila niya si Terrence na naglalaro ng wordsearch.
"Alis na rin kami!" Sabi ni naman ni Yugo habang akbay akabay niya ang dalawang linta. May napapansin din ako rito eh. Minsanan na lang ang pambabae. Actually ngayon na lang namin siya nakita na may kasamang babae.Laging malalim ang iniisip.
"Chrysa, samahan mo ako. Kukunin ko lang yung P.e ko sa locker." Sabi ni Angelo kay Chrysa. Tumango naman si Chrysa at nagbabye sa amin.
There is it. Naiwan kami ng kumag dito na may question mark sa isip. Ano bang nagyayari sa mga kaibigan namin? Bakit bigla na lang sila nagkaganito? Pag may problema sila dapat kami ang unang kokonsultahin nila diba? Then, wha is this?
"Bakit kaya sila ganito? May mga problema ba sila?" Hindi lang pala ako ang nakakapansin. Akala ko kakain lang to mgadamag ng chips niya dyan eh!
"Oo ata.. Di ko na alam kasi di na nila ako sinasabihan." Lumungkot naman ang pakiramdam ko.
"Parang wala silang kabuhay buhay sa ginagawa nila. Si Shime, Jupiter and the others?" Sabi ni Ranz.
"Oo nga eh, namimiss ko na nga yung "Pengeng advice libre kita ng ice cream." pero ngayon wala na yun." Pout ko bigla. Bakit ba hindi nila sinasabi sa akin kung ano man ang nararamdaman nila ngayon? Halata namang kailangan nila ng kaibigan.
"Gusto mong malaman?" Kaasar naman ang tanong nito. Malamang!
"Halata ba?!" Inirapan ko na lang siya.
"Then, Agent 2 be ready." Malawak na ngiti niya sa akin. Anong pinagsasabi nito? Baka pati ito may problema na rin?
"Agent 2 ka dyan?!" Tinaasan ko siya ng kilay.
"You want to find out thir problems? Then we will find out!" Nigiti niya pa rin.
"Eh paano naitn yun gagawin ha? Aber?" I said with crossed arms.
"Basta. Ako bahala. Do we have a deal?" Tinapat niya ang kamay niya sa mukha ko. Tumingin muna ako sa kanya. Para sa mga kaibigan ko naman to eh. Para sa kanila in naman to. Para malaman ko kung ano ang maitutulong ko. Ang alam ko, ako lang dapat ang may problema. Ako lang dapat ang malungkot. Selfish na ako sa mga negatives na yun wag lang silang ganon. Gusto ko yung dati.
"Deal." I shake his hands.
~
It's kinda short. Nawala po kasi yung written niyan eh. Kailangan ko pang tandaan kung ano ang nangyari. Saaareeehhh! T___T Patuloy nyo pa rin sunbaybayan po! ^_____^ yoohoo! Silent readers! Isang comment lang oh! Sasaya na ako ng tuluyan!
~
Chapter 29 : The Mission
BINABASA MO ANG
Love Connections [Under Revision]
Teen FictionUNDER REVISION! UNDER REVISION! Story started: February 2, 2014 Story ended: September 9, 2014 Story revision started: December 28, 2014 Story revision ended: Covers (c) xxArachnidxx, erasingboundaries,_rilakkuma