Iniba ko kasi nawawala yung original niya WAAAHHHH T______T nasa Pangkinder na papel lang kasi yun eh huehehehe!
~
Chapter 27 -- Cry
Nayayamot ako these past few days at alam ko naman sa sarili ko na kung bakit. Oo, dahil sa kanya. Lagi ko na lang siya nakikita. Araw araw. Malamang. Pero mas sumasakit dahil lagi ko nang nararamdaman ang sakit dahil sa mga nakikita ko. Nakakainis na. Nakakainis na tong puso ko. Tanggap ko nang Cassanova siya at dapat masanay na ako pero bakit ganon? Diba dapat masanay? hindi masaktan? Laging nadudurog ang puso ko pag lagi siyang nakikipaglandian sa mga babae niya. Mga babae na pinaglalaruan niya. Ewan ko ba! Malakas kasi ang tama ko sa kanya kaya nagpapakatanga na lang ako at umaasa na magkakaroon ng chance para sa aming dalawa pero hinahadlangan ata ako ni Kupido. Wag daw akong confident at Assuming di daw bagay sa akin.
Naglalakad ako papuntang school, di ako sumabay kay Terrence kasi maOOP nanaman ako sa kanila ni Meg. Kasi pag kasabay ko sila naiinggit ako. Sweet pa naman si Kuya at dahil dun napakaswerte ni Meg. Minsanan ko na ring inisp pag magiging kami hindi naman ata ako sswertehin kasi panandalian lang ang sweetness niya sa babae. Casssanova nga diba?
Loner talaga ako. Yun ang bagay sa akin. Ang mapagiwanan. Marami akong suitors pero di ko sila inentertain. Maraming nagchachat sa akin ng "Hi, Can we date?", "Hi beautiful, can I get your number?". Mga ganon. pero hindi ko alam kung bakit binabara ko lang sila siguro nayayamot ako sa mga walang kwenta nilang mga tanong. Kaya ang mga sagot ko mga pabalang at pinapahalata ko na wala akong gana silang kausapin. Totoo naman eh, kasi iisa lang ang gusto kong kausapin. Siya.
Mga nagtetext sa akin. Isa pa yung mga yun. Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang number ko. Minsan nakakairita na kasi lagi na lang silang nagtetext at minsan din nakakabastos na sila. Di ko na lang nirereplyan. Lagi akong nagpapalit ng Sim card dahil nga sa mga ganon. Pag may nagtext ng ganon magpapalit ako kaagad. Ganon ako kairitable sa mga ganoong bagay. Hindi ko naman sila kilala eh. Paki ko ba sa kanila. Ako si Ameshcka Melissa Suarez, Isang mabait na tao pero hindi inaabuso.
Minsan nga iniisip ko na si Terrence ang nagpapamigay ng number ko eh. Siya naman tong deny ng deny kaya napaghahalataan eh. Binabad influence niya pa ako na sa sobrang kasungitan ko raw eh wala akong nagiging boyfriend. Bakit ba? Iisa lang naman ang gusto kong maging boyfriend eh. Sinasagot ko na lang siya ng mga famous lines ko na "As usual." "Usually." "Nakakain ba yan?". Naeend up yung usapan namin ng pambabatok niya. Pati na rin si Dad =___= Nababaliw na ata talaga sila Si Mom naman kahit nasa ibang bansa nagawa pa talagang mangasar ng kung ano ano. Ang layo layo na nga! Nakakabagot nga sa Mansion eh. Kasi si Terrence kausap si Meg tapos kung ano ano pang kacheesyhan ang sinasabi tapos si Dad din kausap si Mom sa phone nagii love youhan. =___= Isa na rin si Yaya kung hindi I love you eh I miss you naman. =___= Psh.
Habang naglalakad ako, nakaramdam ako ng pagkalungkot. Dapat sumabay na lang pala ako kina Athalie. Napagisipan ko namang hinahard ko masyado ang sarili ko. Tao ako na dapat mabuhay ng masaya hindi malungkot.
"Hahahaha! Ikaw talaga! Bolero!" Nakita ko ang isang babae na kasama ng isang lalaki. Halata naman namagon itong dalawang to. Kasabay ko sila sa paglalakad. Kita mo nga naman!
"Ang cute mo talaga!" Pinisil naman nung lalaki yung pisngi ng babae at kung ano ano pang kasweetan ang pinaggagagawa nila. Nakatingin lang ako sa kanila. Napasama naman ang tingin ko. Kainis. Si Kupido talaga nangaasar naman! Napansin nung dalawa na nakatingin ako sa kanila. Bigla silang namula. Lumihis ng tingin yung babae at Nagkamot ng ulo yung lalaki. Naghatakan naman sila at nagmadali. Nahiya ata. Napatawa naman ako. Bagay sila. Ang cute nilang tignan. Hahahaha.
"Hm! Pangiti ngiti! Inggit naman!" Napakunot naman ang noo ko sa narinig ko. Lumingon ako sa nagsalita. Hayy. Si Mercado -____-
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Si Jeremy Josh Mercado, kapatid ni Sabel. Ang napakasungit at aroganteng kapatid ni Sabel. Lahat ng negative na masasabi mo sa lalaki. Sabihin mo na at syempre joke lang yun. Di ka natawa? What do you expect? na matatawa ka? As usual HINDI.
BINABASA MO ANG
Love Connections [Under Revision]
Teen FictionUNDER REVISION! UNDER REVISION! Story started: February 2, 2014 Story ended: September 9, 2014 Story revision started: December 28, 2014 Story revision ended: Covers (c) xxArachnidxx, erasingboundaries,_rilakkuma
![Love Connections [Under Revision]](https://img.wattpad.com/cover/10451014-64-k837967.jpg)