KYRINE
"Kambal?"
Nabaling ang tingin ko sa pintuan ng kwarto ko nang may biglang kumatok doon.
"Kambal, gising na. Malelate tayo sa school pag di ka pa—"
"Im up, Kyrone. You can leave. Thank you." kaagad ko namang sagot dito.
Muli kong binaling ang tingin ko sa hawak-hawak kong cellphone. Kasalukuyan akong nakaupo sa kama ko at nagfe-facebook ngayon. Tamang scroll at shared post lang muna bago maligo.
At oo, maniwala man kayo o sa hindi, maaga akong nagising ngayong araw. At kung tatanungin nyo ako kung bakit? Hindi ko rin alam. Ewan ko ba. Parang kusa nalang nagmulat ang mga mata ko kanina at nong ipinikit ko ulit ang mga ito para matulog ay hindi na ako makatulog kaya napilitan na akong bumangon. My twin brother must be surprised dahil gising na ako sa mga oras na 'to.
"Kyrine."
Napataas nalang ang isang kilay ko nang muli kong marinig ang katok ng makulit kong kakambal sa pinto.
"Kyrine, can I come in? Mag-usap naman tayo. Please?" rinig kong sabi nito na ikinabuntong hininga ko naman.
"Wala tayong dapat pag-usapan, kambal." malamig kong tugon dito.
"Anong wala? Seriously, Ky? You've been acting strange lately. Parang hindi ikaw yung nakilala kong kapatid. May problema ka ba? You know, I can listen to your problems. Papasukin mo naman ako. Mag-usap tayo." kinalampag nya yung pinto ko at pilit na binuksan ang nakalock nitong door knob. "Kyrine, please."
Napabuga nalang ako sa hangin at napailing dahil sa kakulitan nya. "Just leave me alone, Kyrone. I dont need you here." iritadong pagkakasabi ko.
"Kambal naman..."
"I SAID LEAVE, KYRONE! WHAT THE HELL!!" tumataas na ang boses ko. Nakakainis kasi e.
Bakit ba ang kukulit ng mga taong nasa paligid ko? Takteng yan! Gusto nyang pumasok? Para ano? Para pagalitan at sermonan nanaman ako? Hindi pa ba sapat yung sermon na natanggap ko mula sa kanya at kina kuya kagabi? Even from mom and dad? The hell.
"I understand that you're going through a hard time, Kyrine. But please, wag mo naman sanang hayaang madamay ang ibang bagay dahil lang sa isang problema. Nandito naman kami oh. Wag mong sarilihin yang problema mo."
"I already told you! I don't need anyone! Can't you just leave?!"
"Kyrine—"
"ARRRRGGHHH!!!"
Napasigaw nalang ako dahil sa sobrang inis. Nahagip ng kamay ko ang flower vase na nakapatong sa bed side table ko at walang pakundangang hinagis ito. Nabasag ang vase at nagkalat ang bubog nito sa sahig. Maging yung ibang gamit na nasa table, tinapon ko rin. Yung telepono, yung mga libro ko, yung basong pinag-inuman ko ng tubig kagabi at maging yung... family picture frame namin.
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...