Chapter 34: Worst War

49 4 0
                                    

KYRINE


"You're not allowed to drive, ma'am."


"Oh yes, I am and I will. Now, hand me the car keys and get in."


"But—"


"Don't made me repeat myself, Kevin." mariing sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa harapan nya.


Matalim ko pa syang tiningnan at sinenyasan na ibigay nalang sakin yung susi. Di rin naman nagtagal, nag-aalinlangang inabot nya ito sakin at mabilis ko naman itong kinuha.


"Thanks."


Naglakad na ako papunta sa sasakyan namin na nakapark lang sa isang gilid. I made my way on the driver's seat and started the engine. Pumasok rin naman kaagad yung mga bodyguards ko sa kotse at naupo yung dalawa sa likod habang si Kevin naman ay pumuwesto sa passenger seat. When everything is all set, I started driving.


"M-ma'am Kyrine, slow down.."


Halata sa boses ng mga body guard ko na nasa backseat ang pagkanerbyos nila. Saglit ko silang nilingon sa rear mirror at nakita kong kapit na kapit sila sa upuan ngayon dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko. Habang si Kevin? Ayon, parang wala lang.


"Ma'am, I don't want to die yet!"


"We're moving too fast."


"Fuck, Kevin! Could you do something about this?!"


"No. Let her be."


Nagulat ako sa naging sagot ni Kevin don sa dalawang nasa likod. Saglit ko syang nilingon dahil don at nakita ko syang seryoso lang na nakatingin sa labas ng bintana. Ni hindi nya rin alintala yung bilis ng takbo ng kotse.


"Move a little faster, Ma'am Kyrine."


"W-what?!"


Iyan ang sabay-sabay naming sinabi ng dalawa kong body guard sa likod. Nagtataka naming tiningnan si Kevin at talagang hindi nya inaalis yung tingin nya don sa side mirror ng sasakyan. Napakunot tuloy bigla ang noo ko.


"What are you—"


"Someone is following us." nagulat ako nang biglang naglabas ng baril si Kevin mula sa compartment. "Prepare your guns, boys."


"Tangina."


Saglit na nawala ang inis ko at napalitan ng pagtataka dahil sa mga sinasabi ni Kevin ngayon. Napatingin ako side mirror at nakita kong parang sinusundan nga kami nong itim na sasakyan. Sobrang tulin rin ng takbo nito na parang ayaw nitong mawala ang kotseng minamaneho ko sa paningin nya. Mas lalo ko tuloy binilisan.


"What the hell is happening?!" inis na tanong ko habang pabalik-balik ang tingin sa kalsada at doon sa sasakyan na sumusunod samin. Sobrang bilis nya at ilang metro nalang, maabutan nya na kami.

A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon