Chapter 28: The Medicine

63 4 0
                                    

A/N: Sorry for the late update my darlings! Been busy on my studies lately. Hope you enjoy this chapter. Love you!


KYRINE


"Waaaahh!! Kyrineee! I miss you!"


Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Jallia pagkabukas na pagkabukas nya ng pinto. Muntikan pa akong maout of balance nang yakapin nya ako. Napailing nalang ako sa naging reaksyon nya.


"Hoy! Nong isang linggo lang tayo nagkita. Kung makahiyaw ka naman dyan, parang isang taon." iling-iling na sabi ko.


"Ayy! Noong isang linggo lang ba?" natawa si Jallia, "Sorry naman! I lost count of days e."


"Ang sabihin mo, may pagkaOA ka lang talaga." sagot ko naman bago ako naglakad papasok sa condo nya bitbit ang mga pinamili kong groceries sa convenient store sa baba ng condominium. Inilapag ko iyon sa counter top ng kusina at sumunod naman sya sa'kin.


"Hay nako, tibo! Namiss lang talaga kita! It kinda feels like I'm away from you guys like one month, you know? Nakakapagod rin kaya ang buhay modelo! Naiistress na nga ako sa kakarampa ng beauty ko e!"


"Ginusto mo yan, panindigan mo."


"Duh! Syempre naman 'no. Susulitin ko na 'to habang wala pa akong update doon sa airlines na pinag-aapplayan ko. Travel-travel naman ako nito sa susunod. Wala nang pahinga. My God!" naupo si Jallia sa stool na nasa harap ng counter top, "Anyway, ano yang dala mo? Magluluto ka?"


"Diba obvious?" sagot ko naman habang isa-isang nilalabas yung mga pinamili kong ingredients.


"At ano namang lulutuin mo?"


"Carbonara."


"Omg! Really?!" narinig kong pumalakpak ang gaga dahil sa sinabi ko. She seems so excited. Para syang batang masayang nakaabang sa nanay nya na magluluto. I smiled because of that.


Paborito kasi ni Jallia ang Carbonara. Minsan, dadalaw lang yan sa bahay at magdadala ng ingredients para lang lutuan ko. Nitong linggo lang sya hindi nakadalaw sa'min dahil madami syang nakascheduled na photo shoot and modeling events.


Well, obviously, Jallia is a famous model now. Although hindi naman permanente yun dahil nagbabalak narin syang iwan ang celebrity life nya para ipursue ang pagiging flight attendant. I think, a month or a two, magsisimula na sya sa Philippine Airlines. Excited na nga ako e! Ako kasi, kailangan ko pang makapasa sa board exam para maging isang ganap na Engineer.


Well, ehem. Darating din naman kami ni Jackson dyan.


"Psst! Tibo! Nagtext sa'kin sina Marc Sunset. On the way na daw sila papunta dito. Susunduin nalang nila si Kyrone." rinig kong sabi sa'kin ni Jallia habang busy ako sa paghihiwa ng mushrooms.


Tumango nalang ako nang hindi sya nililingon, "Ingat kamo sila."


A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon