Chapter 2: Waves of the Past

237 25 7
                                    

KYRINE


Ipinark ko ang motor ko sa tapat ng pinakamalapit na seven eleven dito sa lugar namin. Binaba ko ang motor stand nito, hinubad ang aking helmet at pumasok sa loob ng store.


I've decided na dito nalang sa seven eleven kumain. Wala e. Wala akong mukhang maihaharap kina mom and dad kaya mas pipiliin ko nalang na kumain mag-isa dito ngayon. Alam ko namang nag-aalala narin sila sa'kin. I heard there conversation earlier.


Hay. I really miss them. I miss my family. Pero kasi, sa ngayon, gusto ko munang mapag-isa. Makapagmuni-muni hehe.


I open the store door and made my way inside. Bibili nalang muna ako ng pwede kong almusalin dito bago pumasok sa school nang may laman naman ang tiyan ko habang nagkaklase. Oo, mga bregs. You're reading it right. Papasok ako—no, kailangan kong pumasok.


My twin brother was right. Malapit na ang graduation. At hindi ko hahayaang pati ito, madamay sa problema ko. I still want to graduate this senior high with honors. I can't fail again this time.


Kasalukuyan akong nakasuot ng pangcivilian. Tamang puting t-shirt at pants lang ngayon. Di ko sinuot ang uniform ko dahil palda ang pangbaba nito at magmomotor ako. Di naman pwedeng nakapalda habang nagmomotor.


Inilagay ko nalang ang uniform ko sa dala kong bag at sa school nalang ako magpapalit mamaya tutal ang mga gamit at libro ko naman ay nasa locker ko. Walang kalaman-laman ang bag ko pagnagkataon. Kung bakit ba naman kasi palda pa ang uniform ng SMU at sobrang iksi e. Kainis.


Pagpasok ko sa loob ng seven eleven, kaagad akong naglakad sa rack ng mga chichirya at biscuits. Kumuha ako ng isang balot ng nova dito at dalawang malaking nissin waffer. Sunod naman ay kumuha ako ng chuckie sa ref.


Binayaran ko ito sa counter at umupo sa isa sa mga vacant table dito sa store. Sa pinakadulo ako napapwesto. As soon as I sat on the chair, inilapag ko muna ang dala kong helmet sa tabi ko at nagsimula nang kumain. Una kong binuksan yung nova.


Great. Junk food for breakfast? Just great. Kung kasama ko si Kuya Kean ngayon, nabatukan nanaman ako non. He's that anti-junk food type of guy. Ayaw na ayaw nyang kaming kumakain ng ganito.


"Ate Savior! Look, mommy! Look! Si Ate Savior oh! Ateeee!"


Nagulat ako nang may biglang batang babae ang tumakbo papunta sa kinauupuan ko. Kaagad nito akong niyakap habang panay ang sigaw nya ng Ate Savior.


Naguguluhan naman akong napatingin sa kasama nitong babae. Wait... she seems familiar.

A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon