JACKSON
"Tangina naman pre! Ayusin mo sagot mo! Ibabalibag na kita e!"
Tinawanan lang ako ni Ben dahil sa sinabi ko. Sinamaan ko sya ng tingin at akmang ihahampas ko na sana sa kanya yung pantalong hawak ko nang mabilis nyang umilag. Nakakabadtrip!
"Hay! Wala kang kwenta!" inis na sabi ko at tiningnan nalang ulit yung dalawang pantalon ko na kanina ko pa pinagpipilian.
Ewan rin ba! Para na akong babae e. Hindi makapagdesisyon kung anong isusuot. Nak ng tupa!
"Gago ka pre! Pati ba naman sa pagpili ng pantalon, iniistress mo sarili mo?" tinawanan nanaman ako ni Ben. "Kahit naman alin dyan suotin mo, mahal ka parin ng Baby Kyrine mo e! Pfft."
"Alam ko." nginisian ko sya at napasya nalang na beige cargo shorts ang suotin ko.
Nakakabadtrip 'tong Ben na 'to! Akala ko matutulungan ako. Puta, hindi rin pala! Ni hindi ko nga din alam kung anong ginagawa nyan dito sa condo ko. Nagulat nalang ako kanina pagbukas ng pinto, nandito na sya.
Inilapag ko yung mga damit ko sa kama at inayos na muna ang mga yon. Mabuti nalang, naplantsa ko na kagabi yung niregalo sa'kin ni Kyrine na polo kaya wala na akong gagawin kundi suotin nalang yon.
Hay grabe! Tunog bakla man pero kinikilig parin talaga ako kapag naaalala ko yon. Niregaluhan nya ako kahit di ko pa birthday! Ang swerte ko naman talaga!
"Hoy! Kumag!"
Muli kong tiningnan si Ben na nagcecellphone na ngayon habang komportableng nakahiga sa kama ko na parang sya ang nagmamay-ari non. Minsan talaga, ang kapal rin ng mukha nya e.
"Bakit ka nga ba ulit nandito? Wala ka bang kadate?" pang-aasar ko.
"Mukha ba akong may jowa?" napatingin kaagad sya sa akin nang nakakunot ang noo. "Nandito ako para makikain. Bakit?"
"Ulo mo kain." inismiran ko sya. "Lumayas ka na nga! Hindi mo rin naman ako tinulungan dito e! Anong oras na, susunduin ko pa si Kyrine sa kanila."
"Sanaol." sabi nalang nito at nagcellphone nalang ulit.
"Hindi ka ba aattend ng Fun Night?" kunot-noong tanong ko bago ako kumuha ng panibagong twalya sa cabinet ko. "Mukhang masaya naman pre. Sama ka!"
"Kacornyhan lang yon. Pfft!" nakita kong napailing-iling pa sya.
Napabuga ako sa hangin, "Tanga! Tutugtog ang Ben&Ben mamayang gabi. Anong corny don? Bobo ka ba?" sagot ko naman sabay bukas ko ng ilaw sa banyo.
"Ang corny kasi wala akong bebeng kasama. Mga makikita ko don, mga magjojowang naglalaplapan tas ako tiga sana all lang? Tanginang yan!" bumangon na sya sa kama ko. "Saklap men. Magvavalentines nanaman akong single!"
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...