KYRINE
"Ma'am Kyrine? Gising na ba kayo? Ma'am Kyrine!"
Napakunot ang noo ko at biglang napamulat ng mata nang marinig ko ang boses ni Butler Renz sa labas ng aking kwarto. Malakas itong kumakatok ngayon sa pinto at parang natataranta.
Napataltak nalang ako dahil doon at napapikit nalang muli para bumalik sa aking pagtulog. Kinuha ko yung unan ko at tinakip ito sa mukha ko bago nakahigang tumalikod sa direksyon ng pinto.
"Ma'am Kyrine!"
"Ano ba?!"
Napabangon na ako dahil sa lakas ng pagkatok ni Butler Renz. Ayaw ko pa mang bumangon sa higaan, napilitan nalang din ako dahil mukhang nagmamadali itong butler namin at mukhang importante ang kanyang sasabihin.
Bumaba na ako sa aking kama at nagsimulang mag-unat, "Sandali lang po, butler!" sabi ko sabay tungo sa banyo para magmumog muna at magtanggal ng muta.
Binuksan ko ang pinto, "Ano po ba iyon, Butler Renz? Nananaginip na ako e." bungad ko rito habang bahagya pang nag-aayos ng buhok dahil gulo-gulo ito.
"Magandang umaga, hija." pagbati nya, "Sayo ba ang asong ito?" ipinakita sakin ni Butler Renz ang bitbit nyang malaki at maruming aso. Napakunot ang noo ko, "Oh. Bakit nasa inyo yan, butler? Nasa kwarto ko yan ah. Paano nakalabas?" gulat kong saad sabay kuha kay Baron mula sa kanya.
Hinimas ko ang ulo nito at muling tiningnan si Butler Renz na ngayo'y nagtatakang nakatingin sa akin. "Kung ganon, sayo nga iyan hija?"
Napatango ako, "Opo, butler. Akin nga po ang asong 'to. Nakita ko sya sa labas kagabi at naisipan kong ampunin nalang. Mukha naman pong mabait diba? Kulang lang talaga sa paligo at gupit ang asong 'to. Hayaan nyo po, sa susunod na araw, dadalhin ko sya sa vet at papabakunahan narin."
"Mukha ngang kailangan mo syang pabakunahan, hija."
Matipid nalang akong napangiti, "Sya nga pala Butler Renz, sya si Baron." pakilala ko sa aso ko.
"Baron?" napatango-tango sya, "Kay gandang pangalan." nginitian nalang din ako ni bulter. "Pasensya na hija ah. Nagulat kasi ang mga katulong kanina sa asong iyan. Akala namin may nakapasok nang asong kalye sa bahay. Nilibot ko kasi ang bahay kagabi at sigurado akong nakakandado ang mga pinto kaya nakakapagtaka namang nakapasok ang aso. Pwera nalang kung may nagpapasok. Ipinagtanong ko narin ito sa mga kapatid mo hija. At sinabi nilang baka nga ikaw ang nagpapasok. Hindi naman sila nagkamali." mahabang paliwanag ni butler.
"Pasensya na rin ho." napakamot ako sa ulo ko, "Pero nasa kwarto ko si Baron kagabi. Paano naman sya nakalabas?" nagtatakang tanong ko na ikinailing naman nya, "Hindi ko lang alam hija. Basta paggising ko kanina, nagkakagulo ang mga katulong at pilit na pinapalabas ang alaga nyo. Baka nakalimutan mong isarado ang pinto ng kwarto mo kagabi kaya sya nakalabas."
Napatango nalang din ako, "Baka nga po." sabi ko nalang dito.
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...