Chapter 16: Choosing you

70 14 6
                                    

KYRINE


"Mabuhay ang bagong kasal!"


Napailing-iling nalang ako habang pinapanood sina Jallia, Larrise at Clarrenzo. Tuwang-tuwa silang tatlo sa kakasaboy sa'min ng mga rose petal ni Jackson ngayon. Parang mga batang timang.


"Nag-enjoy ka ba ngayong araw, Ky?" napalingon ako kay Jackson nang bigla syang magsalita.


Naramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko at ang paghapit nito palapit sa'kin. Napahawak din tuloy ako sa bewang nya.


"Oo naman! Sobra." I gave him a big smile. "Thank you, Marinzale."


"Thank you rin magandang dilag." napangiti rin sya at muli nanamang hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "You always made my day."


"PDA ALERT! PDA ALERT!"


Napahiwalay ako kay Jackson nang marinig ko nanaman ang sigaw nina Jallia sa likuran namin. Nilingon ko silang tatlo at natawa nalang ako sa mga tingin nila sa'kin ngayon. Hindi ko alam kung nang iinsulto ba sila, nadidiri, naiirita o naiinggit lang e!


"Ano nanaman kaya ang ginawa ko?" natatawang sabi ko.


"Wala naman. Ang harot nyo lang!" inirapan ako ni Jallia, "Pasintabi naman sa mga single oh! Napaka PDA e. Get a room nga guys! Nakakaloka kayo!"


"Oo nga! Mga lapastangan!" sabat naman ni Clarrenzo at madrama pa kaming tinuro ni Jackson. "Patumbahin na nga yan!"


"Ah talaga?" tinaasan ko sya ng kilay, "Gusto mong ikaw ang patumbahin ko ngayon din?" seryosong sabi ko rito.


"T-tanga. Joke lang! Di ka talaga mabiro!" kaagad namang bawi nya. "Basta yung sinabi ko sayo kanina Jackson ha! Alagaan mo yang tropa namin. Saka ikaw narin ang dumiskarte sa honeymoon! Wag mo masyadong sarapan."


"Gago."


Lalapitan ko na sana si Clarrenzo para ambahan ng suntok pero mabilis syang tumakbo palayo sa'kin. Tumatawa-tawa pa ang hinayupak at talagang binelatan pa ako para mang-inis! Pinakyuhan ko tuloy sya ng wala sa oras.


"Honeymoon amputa." inis na sabi ko saka ko sya inirapan at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Narinig ko pang tumawa si Jackson dahil doon pero hindi ko nalang sya pinansin. Nahiya tuloy ako!


Lintek na Clarrenzo yun! Wala pa sa plano ko ang pakikipag—tsk. Whatever! Basta! Hindi pa ako ready sa ganon. Letchugas naman e! Naiisip ko na tuloy! Pakiramdam ko namumula na yung pisnge ko.


"T-tara na nga."


Nakalabas na kami ngayon ng marriage booth at nakapagpalit narin ng damit. After ng wedding ceremony 'kuno', nagpicture-picture lang kami at natapos narin kaagad. Alas kwatro na ng hapon ngayon at uwian na kaya paunti na ng paunti ang mga estudyante. Uuwi narin siguro kami nitong si Jackson. Gusto ko na din kasing humiga at napagod ako.

A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon