Chapter 8: Unfortunate Queen

115 22 7
                                    

KYRINE


Nakabusangot ang mukha ko nang lapitan ko ang bwiset kong kakambal na nakahilata ngayon sa sofa habang nanonood ng Netflix sa TV. Tumayo ako sa harap nito at pinamewangan sya.


"Kinuha mo nanaman ba sa kabinet ko yung paborito kong mustard t-shirt na lintek ka?!" bungad ko dito na ikinalingon naman nya sa akin agad.


He gave me a grin, "Love you, kambal!" sabi nito na ikinapadyak ko nalang. Inis ko syang binatukan.


"Alam mo ikaw, ang hilig mong kumuha ng damit sa kabinet ko! Baka sa susunod nyan, panty ko na ang kunin mo na animal ka!" nanggagalaiti kong sigaw na ikinatawa nalang nya ng malakas.


"Sorry na!" tumigil na sya sa pagtawa, "Nandon yung t-shirt mo sa kwarto ko. Kunin mo." sabi nito at binalik na ulit ang tingin doon sa TV. Napailing nalang ako at napairap saka sya tinalikuran para magtungo sa kwarto nya.


Alas syete na ng gabi ngayon. At obviously, nasa bahay na ako. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni mommy kanina sa Manila Bay, sabay na kaming umuwi.


Ok na naman ang lahat. Nagkausap na kami ng buong pamilya at nakapag-open up na ako sa kanila kanina nong dinner. Kahit papaano, nabawasan ang bigat na dinadala ko. Knowing I have a family that I can hold on to during this difficult times.


Yun nga lang, kanina pa ako hindi kinikibo ni dad. Siguro nagalit o nagtampo. Hindi ko alam. Basta nalang nya akong hindi pinapansin mula nong umuwi sya galing sa restaurant namin e. Hay.


"Kambal! Saan ba dito?! Anak ng tokwa!" inis na sigaw ko habang hinahalughog ang kwarto ng magaling kong kakambal.


Ang isang iyon talaga! Hindi ko malaman kung anong trip sa buhay. Ang hilig manguha ng mga t-shirt! Purkit over sized lahat ng damit ko at halos mukhang panlalaki, kukunin nya.


Pati yang sina Kuya Kayle at Kean! Trip na trip ang mga damit ko. Isang beses nga, bumili ako ng navy cultured t-shirt nong naggala kami ng tropa, aba nagulat nalang ako, nahagip ni Kuya Kayle at sya buminyag. Nakakainis!


"Kyrone! Nasaan?!" sigaw kong tanong na sigurado naman akong maririnig sa baba.


"Nasa malaking drawer! Sa baba! Kasama din nong mga tshirt ko!" pasigaw din naman nyang sagot. Napairap nalang ako at binuksan na yung isa pang drawer nya at hinahanap ang mustard t-shirt ko.


"Tsk. Eto pala!" nasabi ko nalang nang makita ko na ang hinahanap ko. Agad kong kinuha iyon ngunit napatigil ako nang makita ko ang nasa ilalim nito pag-angat ko.


Ang violin.


Ilang segundo ata akong napatitig doon. At kasabay nito ang isa-isang pagrereplay sa utak ko ang mga nangyari sa'kin noon kasama ang violin na iyon. Damn it.



FLASH BACK... (from book 1)

A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon