THIRD PERSON'S
"Hep! Hep! Saan ang pupunta mo?"
Napapikit nalang si Kyrine sa sobrang inis at mahina pang napamura nang marinig nya ang boses ni Kayle sa likod nito. Pasimple nyang itinago yung susi ng motor nya habang dahan-dahan nitong nilingon ang kuya nya.
She nervously smiled, "Hi, kuya!"
"Wag mo akong ma-hi kuya dyan. Ano nanamang binabalak mo?" kunot-noong tanong ni Kayle sa kanyang kapatid. Pinasadan nya ito ng tingin mula ulo hanggang paa.
Nakasuot ngayon si Kyrine ng sandong pula na pinatungan nya ng black leather jacket at tinernuhan ng ripped jeans at sneakers. Halatang-halata na may pupuntahan. Idagdag pa ang dala-dala nitong helmet.
"Gabi na ah! Saan ka pupunta?" pagtatanong pa ulit ni Kayle sa kapatid na ikinakamot nalang ni Kyrine sa kanyang ulo.
"May dadaanan lang saglit kuya."
"Dadaanan? Baka date." seryoso nitong sabi na ikinabusangot naman ni Kyrine.
"At sino naman kaya ang kadate ko kuya? Buti sana kung meron e." nagkibit-balikat ito at nagsimula nang maglakad ulit palabas ng bahay. "Saglit lang ako. Promise!"
"Tigilan mo, Kyrine! Gabi na! Bukas mo na daanan yang kung ano man yang dadaanan mo."
Napairap nalang si Kyrine dahil sa sinabi ng kuya nya.
Naglakad ito palayo sa pintuan at buong akala ni Kayle ay babalik na ulit sya sa kanyang kwarto ngunit nagulat ito nang halikan ng kapatid ang pisnge nya bago dali-daling tumakbo palabas.
"Anak ng—?! Kyrine! Ikaw talaga! Bumalik ka nga dito! Isa!"
Mabilis na sinundan ni Kayle si Kyrine palabas ng bahay. Ngunit nang matanaw nya ito sa may pintuan, nakasakay na ang dalaga sa kanyang motor at suot-suot na ang helmet. Huli na bago pa maabutan ni Kayle si Kyrine dahil mabilis na itong nakaalis.
"Bwiset! Napakakulit talaga!" napasabunot nalang ito sa kanyang buhok habang pinapanood ang pag-alis ng kapatid. Ilang saglit pa, nawala na ito sa paningin nya.
Inis na inis na bumalik si Kayle sa loob ng bahay. Nadatnan nya sa dinning room si Kyrone na umiinom ng tubig. Binalingan nya ng nagtatakang tingin si Kayle.
"Oh? Bakit mukhang galit ka ata kuya? Sino umaway sayo?" natatawa pang tanong ni Kyrone na ikinailing nalang ni Kayle.
Hindi nya pinansin ito at nagdirediretso sya papunta sa shoe rack na nasa ilalim ng kanilang hagdan. Kinuha nya ang tsinelas nya doon at kaagad na isinuot.
"Aalis ka?" muling sumulpot si Kyrone sa gilid ni Kayle.
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...