KYRINE
"Happy 1st Anniversary!"
Iyan ang binungad ko kay Jackson pagkabukas na pagkabukas nya ng pinto sa condo nya. Nakita ko pa syang nagulat dahil sa biglang pagsigaw ko at napahawak sa may puso kaya natawa ako bigla.
"Good morning!" I sweetly greeted.
"Good morning, magandang dilag."
He was about to kiss my forehead when he suddenly stopped because of Cheska. Tumalon-talon yung bata nang makita si Jackson at mabilis na yumakap sa binti nya. Gulat na napatingin sa kanya si Jackson dahil doon. Muntikan pa syang ma-out of balance.
"Good morning, Kuya Knight!"
"O-oh! Cheska!" gulat na sabi ni Jackson sabay karga nya dito, "Bakit nandito ka nanaman? Wala na akong candy ngayon ah! Inubos mo na nong isang linggo!"
"It's play day today with Kuya Knight and Ate Savior!" bibo nitong sabi sabay taas pa ng dalawang kamay sa ere. So cute. "Let's play na kuya! I brought my dolls! Wanna see? They're so cute!"
"Dolls naman ngayon? Parang nong isang linggo, unicorn ah!" kumunot ang noo nya, "Hay. May date kami ng Ate Savior mo e—"
"Change of plans baby." I cutted him off. "Kailangan natin syang alagaan ngayong araw."
Hinalikan ko muna sya sa pisnge nya bago ako pumasok sa condo. I made my way to his kitchen. Kumuha ako ng plato doon at inilapag iyon sa lamesa kasabay ng paglabas ko ng mga pagkaing niluto ko kanina sa'min mula sa paper bag na dala ko.
Hindi ako nagbreakfast sa bahay dahil gusto kong sabayan 'tong mokong na 'to kumain ngayon. Nagugutom na ako. Sinundo ko pa kasi si Cheska kanina sa kanila.
Nang matapos ako sa paghahain, bumalik ako sa sala para tawagin sila. Nadatnan ko sina Jackson at Cheska na nakaupo sa sofa habang naglalaro ng barbie. Kunot na kunot ang noo ng kupal habang yung bata, ngiting-ngiti habang pinapakita yung mga damit ng barbie nya. I smiled by myself.
"Kain na muna tayo?"
Napatingin silang dalawa sa'kin. Kaagad na tumayo si Cheska sa upuan nya at tumakbo papunta sa'kin habang si Jackson naman, tinanguhan nalang ako bago sumunod. Mukhang kakasing lang nya dahil nakaboxers, puting sando at gulo-gulo pa ang buhok nya. Ang aga pa kasi e. 7AM palang. Nagambala ko ata tulog nya.
"Ikaw nagluto?" tanong ni Jackson nang makita nya yung mga pagkain sa lamesa. Tumango naman ako.
"Oo. Istura palang, masarap na diba? Alam ko, Marinzale." natatawang pagyayabang ko at umupo narin, "Cookerist yata 'tong girlfriend mo 'no! Masarap magluto. Kaya maswerte ka!"
"Swerte talaga ako." ngiting sagot naman nya. "Maswerte ako sayo."
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...