THIRD PERSON'S POV
Makaraan ang ilang minuto sa paglalaro, pantay na ang score ng magkalabang grupo. Pilit na humahabol ang grupo nina Lesley na ayaw magpatalo. At sa mga oras na ito, isang puntos nalamang ang kailangan ng magkalabang grupo para matapos na ang first set.
Si Kyrine na muli ang may hawak ng bola ngayon. Nang pumito na ang referee ay sya ring pagserve nya ng bola papunta sa kabilang team. Nasalo ito ng kalaban at binalik ulit ang bola sa kanila.
Nareceive, nagset at muling pumalo ang grupo ni Kyrine ngunit nablock ito ng kalaban. Hinabol nila ang bola at ang isa pa ay nagdive para lang masalo ito. Matagumpay namang nasave ang bola at nagkaroon ulit sila ng pagkakataon para magset.
"Kyrine!" sigaw ni Chris na leader nito, senyas na sya ang pumalo sa bola dahil sya ang pinakamalapit rito. Kaagad namang naintindihan ni Kyrine ang gusto nitong ipahiwatig kung kaya't tumalon sya ng napakataas na ikinagulat naman ng ibang nanonood sa kanila ngayon. Buong pwersang nagspike si Kyrine ng bola na tila gigil na gigil sa paglalaro.
Dito nilabas ni Kyrine ang lahat ng galit at sama ng loob nya. Sa mga nangyayari sa kanyang pamilya't kaibigan, sa pagiging bakla ni Matthew, sa pangrereject nya kay Jackson na mahal na mahal nito at sa pagkaselos nito kay Lesley. Lahat. Dito nya inilabas.
Napakabilis ng pangyayari sa loob ng court. Napatigil nalang ang lahat nang biglang tumama ang bolang inispike ni Kyrine sa mukha ni Lesley na ikinatumba nito. Dumagundong ang masama nyang pagkakabagsak sa sahig at ang lahat ay nagulat dahil dito.
"Lesley!" sigaw ng mga kaibigan nito at dali-daling nilapitan ang katawan nyang nakahiga sa makinis na sahig ng court. Maging ang mga kagrupo ni Lesley ay mabilis din syang tinulungan.
Kasalukuyang nakahawak ngayon si Lesley sa ulo nya habang nakahiga. Nagmarka ang linya ng bola ng volleyball sa mukha nito na grabe ang pagkapula ngayon. Sobrang pagkahilo at hapi sa mukha ang nararamdam nya sa mga oras na ito at parang ano mang oras ay mawawalan sya ng malay. Kawawang Lesley.
"Ms. Torriel!" gulat ding napatakbo ang coach nila kay Lesley. Sa pagkakataong iyon, tuluyang nawalan ng malay ang kawawang dalaga na agad namang binuhat ng kanilang coach at dinala sa clinic.
Napanganga nalang sina Jallia, Marc Sunset, Clarrenzo, Larrise at Kyrone sa nangyari at sabay-sabay nilang nilingon si Kyrine na nagpipigil ng tawa ngayon.
Aware naman sila na may galit si Kyrine sa babaeng yon dahil sa nakita nito kaninang eksena sa cafeteria pero hindi nila lubos na inaasahan na magagawa nyang paluan ito ng bola sa mukha.
Napailing nalang silang magkakaibigan at mahina nalang ding napatawa. Mga siraulo.
Sa kabilang dako, makikitang nagulat rin si Jackson sa nangyari. Kaya noong tuluyan nang maitakbo si Lelsey papunta sa clinic ay nilapitan nya si Kyrine.
"What was that, magandang dilag?" gulat na tanong ni Jackson na ikinalingon naman sa kanya ni Kyrine. Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha ng dalaga at bigla itong naging seryoso.
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...