MARC SUNSET
"Woah! Buhay pa ang gaga!"
Yan ang binungad ni Jallia pagpasok namin sa kwarto ni Kyrine. Kumpleto kaming magtotropa ngayon at may dala-dalang mga pagkain. Kakagaling lang naming lima sa school at napagpasyahan naming bisitahin si Kyrine nang magtext sa'min si Jackson nitong madaling araw.
Excited ang lahat makapunta dito. Kung wala lang kaming long quiz kanina, mga paper works na dapat ipasa at reporting, nagcutting na siguro kami.
I'm just so happy that my bestfriend finally woke up. I felt so fucking guilty. Lalo na't kasalanan ko kung bakit sya nandito ngayon.
"Ang masamang damo talaga, hindi kaagad namamatay. Ang galing!"
"Masama ba ako?!" inis na sabi ni Kyrine nang marinig nya ang sinabi ni Clarrenzo sa kanya. Tinawanan lang sya nung kumag at mas nang-asar pa lalo.
"Ay hindi mo alam?" Clarrenzo dramatically covered his mouth. "Hala bakit?!" panggagago pa nya.
"Ina mo ka! Naiinis nanaman ako sayo! Tigilan mo nga! Gusto mo bang pumalit sa'kin dito at ikaw naman ang matulog ng halos isang linggo ha?!" singhal nya at inirapan nalang si Clarrenzo.
Natawa kaming lahat sa kanya. Ang cute lang talaga ng bestfriend ko! Ang sarap tirisin. I had to admit, I miss her so much. Her curses, her rolling eyes and all. Parang walang nangyari sa kanya! Sana all strong.
"Kamusta pakiramdam mo, Ky?" rinig kong tanong ni Larrise.
Umupo lang ako sa maliit na bench na nasa gilid ng kwarto matapos kong ilapag ang mga paper bags ng Jollibee sa lamesa. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan silang lahat. Ayoko ring magsalita.
Gusto ko lang munang panoorin ang kaibigan kong barumbado parin kahit nakahiga na sa hospital bed. Mula bata hanggang ngayon, hindi parin sya nagbabago. Titibo-tibo parin. I smiled by myself.
"Ayos lang naman." matipid nyang nginitian si Larrise. "Kayo? Kamusta school?"
"Ayon, bagsak."
"Ano bang bago Clarrenzo?" tumaas pa ang kilay ni tibo.
"Wala namang bago. Sya parin." nagkibit balikat at tumawa pa si Clarrenzo sa sarili nyang sinabi. Napangisi naman si Kyrine dahil doon. Mang-aasar na yan!
"Yieee! Jallia oh! Ikaw parin daw!"
"Tarantado."
Natawa nalang ako sa kakulitan nila. Bahagya ko pang siniko si Jallia na nakaupo rin sa tabi ko at nang-aasar syang nginitian. Inirapan nya lang ako at nag-iwas na ng tingin. Kunyari hindi kinilig.
Dumaan ang oras at nagkamustahan lang kaming magkakaibigan—sila lang pala dahil tahimik lang ako. Kapag nag-aasaran sila, nakikisabay nalang din ako at nakikitawa.
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...