Chapter 10: Answers

147 18 7
                                    

KYRINE


"Everybody say Halleee!"


"HALLE!"


"Lujaaaah!"


"LUJAH!"


Napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa mga sinasabi ngayon ni Jallia. Lasing na gaga at nagsasasayaw na habang nakatayo sa sofa. Nakita kong hinahila sya pababa ni Larrise ngunit ayaw nyang magpapigil. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o ano.


"HALLE?"


"LUJAH!" sigaw ni Clarrenzo na mukhang tinamaan narin dahil sinasabayan na nito ang mga trip ni Jallia. Nabuang na!


Ibinaba ko yung hawak-hawak kong baso at tinulungan narin si Larrise na pababain si Jallia sa sofa dahil mukhang naiistress na ito sa nangyayari ngayon.


Patay talaga kami kina Tita Sunshine at Tito Marco pagnadatnan kaming ganito kagulo sa salas nila. Baka makarating pa 'to sa mga magulang namin!


"Hoy gaga ka! Anong trip ba yan?! Umayos ka nga!" saway ko kay Jallia na panay ang sigaw ng halle na sinasagot naman ni Clarrenzo ng lujah. Pati yung kakambal kong mukhang lasing narin, nakikisabay na. Anak ng tibaka!


"Hey! Bakit hindi ka sumisigaw Kyrine?!" sigaw nito sa akin na ikinailing ko nalang. Namumula na sya sa sobrang kalasingan.


Sinasabi ko na nga ba e. Dapat hindi na kami nag-inom dito. Pasimuno talaga yang si Clarrenzo!


"Come on, Ky! Shout!"


"Ayoko! Now get the hell out of there! Baka biglang dumating sina tita. Mapapagalitan tayo!" saway ko dito na ikinailing naman nya.


Nagpatuloy sya sa pagsasayaw sa itaas ng sofa habang tumutugtog ang Hallelujah by Bamboo sa malaking speaker nina Marc Sunset na nandito sa living room.


Takte! Lasing na talaga 'tong mga kasama ko!


"Hoy! Jallia! Utang na loob at labas, bumaba ka na dyan! Tigilan mo ang pagsigaw ng Hallelujah at baka makita mo ng maaga si San Pedro dahil masyado ka nang banal at pwede ka nang naglaho sa mundo!"


"Che! Nabasa ko lang din kaya yun sa facebook! Kung sa kanila, Ama namin. Sakin, Hallelujah. Duh! It's Jallia's version, sis! Whoohooo!"


Sabay nalang kaming napasapo sa noo ni Larrise habang pinapanood ang mga lasing naming kaibigan.


Si Marc Sunset, kumuha ng basahan sa kusina dahil nagsuka na ang nakakahiya kong kakambal sa sahig. Si Clarrenzo, ayon, hawak na ang microphone habang kumakanta ng Hallelujah. At si Jallia, eto, nagtatatalon parin sa sofa habang panay ang sigaw na akala mo nakatayo sa isang stage at may malaking crowd.

A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon