Chapter 29: Love

92 4 0
                                        

WARNING: Mature scenes ahead. Read at your own risk.

KYRINE

"Finally, we're home."

Pasado alas tres na ng hapon nang tuluyan na kaming makauwi ni Jackson. Pagkatapos nyang ipark ng maayos yung kotse sa garahehan ng bahay, pinagbuksan nya ako ng car door at inalalayan pang makababa. Tahimik naman akong sumunod sa kanya.

"Teka! Sandali! May dumi!"

Napakunot ang noo ko nang biglang yumuko si Jackson at exaggerated na pinagpagan yung sahig gamit yung kamay nya. Natural may dumi talaga don dahil sahig yon! NapakaOA talaga ng lalaking 'to. Kanina pa yan ganyan e! Pagkalabas na pagkalabas palang namin sa ospital.

"Hoy! Marinzale!" binatukan ko nga. "Para kang tanga. Umayos ka nga!"

"Eto namang baby ko!" tumayo na ulit sya. "Tinatanggal ko lang yung dumi. Mamaya kasi nyan, matuluyan ka na kaya kailangan nating mag-ingat." ngising-ngising sabi naman nya na ikinairap ko nalang. Sira ulo talaga 'to. Bakit ko nga uit sya naging boyfriend?

"Hindi nakakamatay ang dumi sa sahig, Marinzale! Pero etong suntok ko, baka oo. Gusto mong itry?" inis na sabi ko habang nakaangat na ang kamao. Natawa naman sya dahil don.

"Joke lang, magandang dilag! Ikaw talaga! Hehehe.."

I was caught off guard when Jackson suddenly held my waist and pulled me closer. In just a second, he was able to gave me a quick kiss in my forehead. Sinamaan ko tuloy sya ng tingin dahil sa ginawa nya. 

"I love you, Kyrine."

Oh diba? Kita nyo na? Tapos bigla syang babanat ng ganyan! Anak ng pucha!

"Ewan ko sayo, Jackson. Hatdog ka!" sabi ko nalang at nagsimula nang maglakad papasok ng bahay. Narinig ko naman syang napatawa ng malakas bago nya sinarado yung pinto ng kotse at sumunod sa'kin papasok. Napailing-iling nalang ako.

Pumasok na ako sa kwarto at doon nagpahinga. Si Jackson, nakita kong dumiretso sa kusina at mukhang magluluto ng pagkain namin kaya hinayaan ko nalang. Kakalabas ko lang kasi sa ospital ngayon at bawal pa akong masyadong magpagod kaya matutulog nalang muna ako.

So far, naging ok naman ang ilang araw na nagdaan. Pinapaimbistigahan na nina mommy ngayon yung babaeng nagpanggap sa'kin na Dr. Galvero at hinahanap narin sya ng mga pulis. Nalaman kasi nilang outsider sya at hindi talaga sa hospital namin nagtatrabaho kaya totoo ngang set up yung nangyari.

Kaso nga lang, wala pa kaming lead hanggang ngayon dahil hindi rin sya matrace sa CCTV. Sabi kasi nila, saglit daw nahack yung system nong mga oras na pumasok yung babae sa clinic ni Dr. Galvero kaya burado yung ilang segundo sa monitor. Hirap na hirap tuloy kami.

What a smooth bullshit action to set up somebody, right? Everything seems so planned. Paniguradong hindi lang isa o dalawa ang nagset up. First is the doctor, second is the nurse who escort me to the clinic and third are those people who hacked the CCTV system.

Hindi pa namin alam kung sino ba talaga ang nasa likod ng mga 'to pero ang sabi ni daddy, baka isa ito sa mga kakompetensya ng kompanya namin. Eh kaso hindi naman ako updated sa mga nangyayari sa kompanya kaya wala akong kaalam-alam. But that explains why I'm seeing such suspicious things for some time.

I don't know what to feel. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Our lives are in danger and enemies might be here and there, getting closer and closer. The only thing I have to do now is just to be careful.

A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon