KYRINE
"AAAAAAAAHHHH!"
Napaiktad ako nang biglang sumigaw ang mga kaibigan ko. Muntikan ko pang mabitawan yung popcorn na kinakain ko dahil doon. Sa kanila ako nagulat e! Hindi sa horror movie na pinapanood namin ngayon.
"Luh! Parang mga gago!" inis na sigaw ko sa kanila.
Napatawa nalang silang lahat at napailing bago kami muling nanahimik at nagpatuloy sa panonood. Basta talaga pagtropa ang kasama ko sa ganitong mga horror movies, nagiging comedy e! Yung tipong wala pa ngang yung nakakatakot na scene, sumisigaw na agad sila at inuunahan yung nanggugulat! Parang mga ewan.
"Hoy! Kyrine! Ang KJ mo!" napalingon ako kay Clarrenzo nang bigla syang magsalita. "Mamaya ka na magcellphone dyan! Kachat mo nanaman bebe mo!"
"Timang! Nagtext si mommy. Tinanong nya kung nag-aayos na daw ba tayo!" depensa ko kaagad. Eh totoo naman!
It's already 4pm in the afternoon. Nasa suite room hotel kami ngayon at naisipan naming magkakaibigan na magmovie marathon muna pampalipas lang ng oras bago kami umattend ng party mamaya. 7pm pa naman iyon kaso kailangan naming mag-ayos ng pangmalakasan 'daw' dahil grand party ang pupuntahan namin.
Iniisip ko palang na magmemake up ako at magdedress nanaman, naiistress na ako. Hindi ba kasi pwedeng magpantalon at t-shirt nalang? Required talagang magformal attire? Corny naman!
"Well then, tell tita that we will be after a couple of minutes." sagot naman ni Jallia. "Baba mo na yan pagkatapos ah! Manood muna tayo dito. Baka humarot ka nanaman dyan e! Sasabunutan talaga kita!"
"Woah. Scary." sarkastikong sagot ko at inirapan nalang sya.
Nagreply ako sa text ni mommy. Sinabi ko sa kanya na hindi pa kami nakakapag-ayos dahil nanonood pa kami at tatapusin na muna namin iyon. Maaga pa naman kaya ayos lang. Saka isa pa, hindi kami mahahassle dahil nandito na kami sa hotel at nasa baba lang ang event place. Hindi na namin kailangan pang magbyahe.
Nang masend ko na yung text kay mommy, pinatay ko na kaagad yung phone ko. Akmang ilalagay ko na sana iyon sa center table nang bumukas ulit iyon dahil may nagpop up sa phone screen na notification ng messenger.
Hindi ko nalang sana papansinin kaso nakita kong si Jackson yung nagchat kaya dinampot ko ulit at binuksan yung phone.
JL Marinzale: Baby, I'm in the hospital right now.
Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko iyon. Napaayos ako ng upo at mabilis na nagreply sa kanya. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang tumitipa sa keyboard.
Kymikka Avirez: Gago anyare sayo?! Bakit ka nasa ospital?!
Inilapag ko muna yung hawak-hawak kong popcorn sa center table bago ako tumayo mula sa sofa. Mabilis akong naglakad palabas ng hotel room para tawagan si Jackson.
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...
