Chapter 27: Suspiciously

74 4 2
                                    

KYRINE


"Good morning, magandang dilag."



"Oh! Jack! Gising ka na pala!"



Saglit kong nilingon si Jackson pagkalapit nya sa'kin dito sa kusina. Busy kasi ako sa pagluluto kaya hindi ko na muna sya masyadong pinansin. Mahirap na, baka masunog 'tong niluluto ko.



"Why are you cooking? Diba masama ang pakiramdam mo? Magpahinga ka nalang muna don sa kwarto. Ako na dyan."



Muli ko syang nilingon dahil sa sinabi nya. Gulo-gulo pa ang buhok nya at nakatopless lang ngayon. Halata ngang inaantok pa e. I just smiled by myself when he suddenly hugged from behind and laid his sleepy head on my shoulders while I'm continuing my cooking.



"You look so pale, baby. Rest."



"Ayos lang ako, Marinzale." ngiting sagot ko naman habang naghahalo. "Madali lang 'tong niluluto ko. Sige na, don ka na muna sa lamesa. Matatapos narin 'to at ipagtitimpla narin kita ng kape mo."



"Kyrine, you need to rest. Ilang araw ka nang maputla. Tapos kagabi, nahimatay ka pa." kumalas na sya sa pagkakayakap sa'kin at pinaharap ako sa kanya, "I'm getting worried, baby. You want me to take you to the hospital today?"



"Marinzale..." 



"Okay, I'll take you to the hospital today. I'll just go shower."


"Ayos nga lang ako! Etong talagang lalaking 'to!" pinitik ko nalang sya sa noo nya at mahinang napatawa, "Ano ka ba, Marinzale? Wag ka ngang OA dyan! Saka diba may gig kayo sa bar nina Klieford mamaya? Anong oras ka uuwi?"


"Seriously, Kyrine?" his brows narrowed so I just rolled my eyes in response.


"Anong oras nga?"


"B-bukas pa uwi ko."


"Osige." tumango-tango nalang ako at tinalikuran na sya para ipagpatuloy yung niluluto ko, "Itext mo nalang ako pagpauwi ka n—"


"Hindi ako tutuloy."


"At bakit naman?" kunot-noo ko syang nilingon ulit, "Sayang yun, Jack. Pumunta ka na. Ang dami mo pa namang fans na manonood doon! Ayos lang naman ako dito e. Kailangan ka nila don."


"But—"


Sabay kaming napalingon ni Jackson sa may dinning table nang magring ang cellphone nyang nakapatong doon. Nagkatinginan pa kami bago nya yon kinuha at sinagot yung tawag. Pinagpatuloy ko nalang yung niluluto ko.


It's been months after our graduation. In the past few days, hindi ko alam kung bakit pero madalas akong nagkakasakit kaya laging nandito sa bahay namin si Jackson para bantayan ako.

A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon