KYRINE
"Hoy! Panget!"
Excited akong tumakbo papunta sa kinatatayuan ni Jackson. Nasa car park kami ngayon at nakasandal sya sa kotse nya habang nakapamulsa pa. He's still wearing his uniform. Hatalang kakagaling lang din sa school nya.
Tinanggap ni Jackson ang scholarship na inoffer sa kanya dati. Nairaos naming dalawa ang 2nd year college at ilang buwan nalang, road to 3rd year na kami.
Hindi naging madali nong una dahil gusto talaga ni Jackson na kasama ako sa university na pinasukan nya pero naging maayos rin naman ang lahat at nasanay rin kaming dalawa sa set up namin. After all, kailangan nya 'to.
Jackson seems bored when I looked at him but that immediately changed when our eyes met. Bigla syang napangiti at napaayos ng tayo nang makita akong tumatakbo papunta sa kanya.
"Sa wakas! Nandito narin ang maganda kong girlfriend!"
Mahina naman akong napatawa dahil doon. "Sorry naman! Ang tagal magdismisal ng prof ko e. Nag-extend pa ng 10 minutes."
"It's okay." kinuha nya yung dala-dala kong mga libro pati yung bag ko at kaagad nya itong isinakbit sa balikat nya, "Tara na? May naisip akong gagawin natin ngayon!"
"Ano nanaman yan?" napataas ang isang kilay ko, "Baka kalokohan yan ah! Sapak ka talaga sa'kin."
"Hindi ah! Promise!" napatawa sya at pinagbuksan na ako ng pinto ng kotse, "Punta muna tayo sa condo ko. Magpapalit lang ako damit. Dala mo naman yung iyo diba?"
"Oo. Sabi mo magdala e."
"Ok, good. Let's go."
Sumakay na kami sa kotse nya at nagsimula na syang magdrive papunta sa condo. We're both silent during the ride when he started a conversation. Napalingon tuloy ako sa kanya.
"How's your day baby?"
"Stressful as always." sagot ko naman. "Alam mo ba? Ang gagago ng mga kagrupo ko sa thesis! Mga dumbell ampotek!" pagrarant ko.
Narinig ko naman syang napatawa habang nakatingin parin sa kalsada, "Buti di mo sinapak?"
I scoffed, "Muntikan na nga!" napailing-iling nalang ako, "Naiistress na ako sa sem na 'to. Ang daming kailangan ipasa tapos malapit narin ang finals. Masisiraan na ako ng bait."
"Kaya mo yan, Engr. Avirez. Ikaw pa ba?" napatawa sya ng mahina, "Isipin mo nalang na malapit na ulit magbakasyon."
"Yeah, right." napailing nalang ulit ako at napangiwi. "Eh ikaw ba baby? How's your day?"
"I got a perfect score on my long quiz today." he smiled and took a quick glance on me, "Ang galing kasi ng tutor ko kagabi."
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...
