JACKSON
(Yow dude. What's up?) agad na bungad ni Xenon, isa sa mga tropa at kabanda ko sa America nang sagutin ko ang tawag nito.
Kasalukuyan ako ngayong naglalakad sa campus patungo sa main school entrance nang mapatawag sya.
"I'm on my way to my classroom, Xenon. Bakit ka napatawag?"
(Mangangamusta lang.)
I scoffed after hearing that, "Ang sabihin mo, miss mo lang ako."
(Ulol.)
Bahagya nalang akong napatawa dahil sa naging reaksyon nya. "Ayos lang naman ako pre. Ano bang tanong yan? Yan lang talaga ang dahilan mo kaya ka tumawag?"
(Ayos? Talaga lang ha? Iba kasi ang nabalitaan ko e. Willford just called me earlier, Jack. Naglasing ka nanaman daw kagabi. Seriously, dude? Ano nanaman bang ineemote mo dyan? Parang nong last tawag namin sayo nina Francis, nainom ka rin ah. May nangyari ba?)
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya, "Huh? Paano nalaman ni Willford na nag-inom ako kagabi?"
(Drunk call.)
"WHAT?!" gulat kong sabi.
(Oh you heard it right bro. Para ka nga daw tanga kagabi e. Ngawa ng ngawa sa telepono. HAHAHAHA!)
"Damn you, Xenon."
(Ano ba kasing meron at naglasing ka nanaman, Jack? Broken ka?)
"H-hindi." agad kong tanggi.
(Utot. Eh bakit nga?)
"Wala nga. Trip lang."
(Sus. Trip mo mukha mo! Hmm... let me guess. Dahil kay Ms. Secretary mo 'no? Yung Kyrine?)
"Tsk."
(HAHAHHAHAAA! The hell, bro! Nasaan na yung Jackson Lloyd Marinzale na bokalista ng Fallen Boys at tropa namin na matinik sa chix ha? Yung isang ngiti at banat lang, in love na agad sayo yung babae? Ay sus! Laos ka na pala e.)
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...