JACKSON
"What the—?!"
Inis na iminulat ko ang isang mata ko nang makarinig ako ng door bell. Hindi ko nalang sana papansinin yon para ituloy ang tulog ko at hahayaan nalang na umalis ang kung sino man yun nang sunod-sunurin nya ang pagpindot sa door bell ko. Napamulat tuloy ulit ako ng mata.
Badtrip naman! Parang kakapikit ko palang e! Sino ba kasi yon?!
"Damn it."
Napabangon na ako sa sobrang inis at mabilis na binuksan ang ilaw ng kwarto. Sumilip pa ako sa bintana at nakita kong madilim pa kaya kinuha ko ang phone ko para tingnan kung anong oras na ngayon habang patuloy parin na nagdodoorbell yung tao sa labas.
"Who the hell will come here at 3AM?!" galit na sigaw ko bago padabog na ibinagsak ang phone sa kama at lumabas ng kwarto.
Kakapaayos ko pa lang ng cellphone ko kanina pero mukhang masisira nanaman! Bwiset! Sino ba kasi ang sira ulong yon na pupunta sa condo ko ng ganitong oras?! Siguraduhin lang talaga nya na magandang rason ang pagpunta nya dito kundi—
"K-kyrine?" nanlaki ang mata ko pagkabukas ko ng pinto. "Anong ginagawa mo dit—"
"Hayop ka!"
Nagulat ako nang bigla nya akong suntukin sa mukha. Muntikan pa akong matumba sa sobrang lakas non at kung kanina, medyo tulog pa ang diwa ko, ngayon gising na gising na. Parang nawala nga rin yung tama ng alak sa'kin dahil sa suntok na yon. Nag-inuman kasi kami kanina nina Klieford, Donnie at Gab sa bar, mga kaklase ko.
"Shit." napahawak nalang ako sa pisnge ko at naguguluhang tiningnan si Kyrine na galit na galit sa'kin ngayon. "Ky, anong bang—"
"You'll better give me a reasonable explanation, Marinzale. I'll fucking punch you again!"
Tinulak nya ako papunta sa common area at isinarado nya ang pinto pagkapasok. Halos mamatay naman ako sa kaba dahil sa galit na galit nyang itsura ngayon. Napakamot nalang ako batok ko.
"Baby, please calm down." pag-aalo ko at akmang lapitan na sana sya nang bigla nanaman nya akong ambahan ng suntok. Napaatras nalang ako.
Pucha! A-ano bang ginawa ko?!
"Where have you been all this day, Jack?" panimulang tanong nya kaya naman napaayos ako ng tayo.
"M-may tinapos lang akong research paper kaninang umaga, baby. I'm sorry kung hindi na ako nakapagreply." kagaad na sagot ko, "N-nagbar din pala kami kanina nina Klieford hehe."
"Really? And you don't even bother texting me?" inis na sabi nito na ikinakamot ko nalang ulit sa ulo.
"Natapunan kasi ng tubig phone ko e. Ayaw na magbukas kanina pero ok na naman ngayon. Pinaayos ko kay Gab nong pumunta ako sa condo nya." pagpapaliwanag ko.
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...