KYRINE
"Kyrine? Anak? Open the door."
"Shit!"
Napabalikwas kaming dalawa ni Jackson sa sofa nang bigla naming marinig ang boses nina mommy sa labas ng bahay.
Napamura pa ulit ako nang bigla akong mahulog sa sahig dala ng pagkagulat. Kaagad ko namang hinila kay Jackson yung kumot namin para ipangtakip sa katawan ko nang maalala kong nakahubad pa nga pala kami ngayon.
Tanginaaaa!!!
"What the?!"
Narinig kong napamura din si Jackson nang kunin ko sa kanya yung kumot. Akmang aangal pa sana sya sa ginawa ko kaya kaagad ko syang pinanlakihan ng mata at sinenyasang manahimik nalang. Napailing naman sya dahil don at sumunod nalang din sa'kin.
"Kyrine Mikkael!" pesteng yawa!
"Ayan na po! Saglit lang!"
Mabilis na kaming kumilos ni Jackson at hinanap yung mga damit namin. Dali-dali kong sinuot yung night robe ko at inayos pa ang buhok. Ganon din naman si Jackson at mabilis nya ring sinuot yung pajama at sando nya.
"O-ok na ba itsura ko? Yung buhok ko, maayos na? Di naman mukhang lukot yung night robe ko diba? Ayos na siguro yan?" taranta kong tanong habang inaayos ang sarili ko. Baka kasi makahalata sina mommy! Nakakahiya!
"Relax, Ky." napaangat ang tingin ko kay Jackson nang bigla nyang hinawakan ang baba ko. "You still looked gorgeous as always."
"Mukha mo gorgeous." napailing nalang ako dahil doon at kinurot pa sya sa tagiliran. Nakakainis e! Nagawa nya pa talagang bumanat ng ganyan ngayon! Anak ng tupa.
"Tumigil ka nga dyan, Marinzale. Napakalandi mo talaga!" natawa naman sya dahil don.
"Atleast sayo lang lalandi." rinig kong sagot pa nya bago ako hinalikan sa ulo at inakbayan. Hinayaan ko nalang sya sa gusto nya. Maharot talaga e.
Nang okay na kami at yung ayos ng living room, sabay na naming binuksan ni Jackson yung pinto at sinalubong sina mommy at daddy na mukhang kanina pa kami hinihintay.
Anong oras na ba kasi at hindi man lang nagpasabi sina mommy na pupunta sila dito? Halos magulantang na ang buong pagkatao ko kanina e. Yawa.
"H-hi mom, dad!" ngiting-ngiti kong pagbati pagkalabas namin.
Sinamaan naman kaagad ako ng tingin ni daddy. "Bakit ba napakatagal mong buksan ang pintuan, Mikkael?" inip na tanong nya at pareho pa kaming tiningnan ni Jackson mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy akong napalunok ng wala sa oras. "At bakit nakapangtulog pa kayo? Kakagising nyo lang?"
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...